8

13.6K 183 0
                                    

Its been two weeks simula ng magbreak kami ng 'the great Jared Pineda', I considered that fight as our break-up. Wala pa naman akong balak gawin at hindi ko na rin itutuloy yung higanti ko since wala akong lakas ng loob gawin yun.


Parati kaming nagkakasalubong ng talk-of-the-town-couple sa school namin na sina Jared at Abigail. Mabait si Abi, simula ng mag-umpisa ang training namin for dance competition lagi syang nanonood, she even gives me water to drink. Idol raw nya ako dahil super flexible ng katawan ko. Nasa Modern Interpretative Category at Ballroom kasi ako, youngest dancer among the team. Minsan nga nagpapaturo ito sa aking sumayaw, wala naman akong magawa kundi turuan nga sya. Nakakatawa kasi hindi talaga sya marunong.


"Ivy, mahirap pala maging dancer.."


"Mahirap talaga sa umpisa at kung hindi ka talaga mahilig sa pagsasayaw. Pero kapag natutunan mo na, parang ang gaan na lang sayo ang gumalaw."


"Hmm." sinabayan pa nya ito ng pagtango bilang pagsang-ayon.


"Nalaman ko na nagpunta pala sa classroom nyo noon si Jared at inaya kang umalis para mag-usap. Galit na galit daw sya nung time na yun. Bakit? Sa pagkakaalam ko nga hindi pa kayo magkakilala noon."


Feeling ko gusto nang kumawala ng puso ko palabas sa dibdib ko. Lumalakas na naman ang tibok ng puso ko. Kinakabahan na naman ako. Guilty? Bakit ako magi-guilty?! Biktima lang rin ako.


Hinila ko si Abi palayo sa mga grupo ko.


"Abi, ahm.. Nagkakilala kami dahil kina Alex. Isinama kasi nila ako sa club tapos nakilala ko si Jared. Naging magkaibigan kami nun kasi sya lang naman matinong nakakausap ko. Nung pauwi na kami nagkaroon lang kami ng konting sagutan na umabot hanggang Monday nun, you know, drunkards? Tapos nung nakita ko kayo sa gym, usapan namin na magkita roon para magkaayos kami. Unfortunately, wala ring nangyari."



"Ganun ba.. Gusto mo kausapin ko sya para magkabati na kayo? He always listens to me. Para naman--"

"I don't think it would work, but thanks. Wala na yun."

"May gimik daw kayo nila Alex bukas. Saturday na naman kasi. Kaya kami laging nag-aaway ni Jed eh."


"Meron."



"Pwede ba akong sumama? Nasabi ko na rin kasi kay Alex, papayag daw sila kung papayag ka.. Pretty, please?"



Kung sinabi na lang sana nilang hindi pwede! Tulad namin ay minor lang din sya! She's just 16 for christ's sake! Nasabi ko na rin naman kasi sa kanila yung nangyari at nakiusap akong wag ng gawing issue, hindi rin naman nila alam na girlfriend ni Jared si Abi dahil sinikreto daw ito ng dalawa. Pero inamin din nila yun sa lahat kinabukasan after ng usapan namin sa gym.

"Ahh. Sure. Ok lang.. Sabay ka na lang kay Red papunta kina Alex. Sige, may practice pa kami. Umuwi ka na. Mag-iingat ka, ok?"

At agad naman akong umalis.


"Aleina..Ikaw na lang yung bubuhatin sa last part as our goddess. Ikaw kasi yung petite sa mga babae, maputi at makinis.. Maamo pa ang mukha mo." salubong sa akin ni Robert, head ng grupo namin.

Tiningnan ko yung mga old members at tumango sila habang nakangiti.


"Ok lang po ba yun? Kasi, bago pa lang naman po ako, I don't think I deserve that role.."


"Baguhan ka nga pero magaling ka. Sila nga ang nagsuggest na ikaw ang gawing dyosa. Kaya mo yan."


"Fairytale ang theme natin for the competition.. Kailangan natin ng Prince charming!"

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon