24

7.5K 118 1
                                    

Marahas na kinakatok ni Allen ang pintuan.





"Baby, please. Lumabas ka naman. Gustung-gusto na kitang makita! Please. Ano bang problema natin?"




Nang mapagod ito ay walang lakas itong napaupo sa harap ng pintuan habang tahimik na umiiyak.




Gumising kasi ito na wala ng Alley sa tabi nya. Inakala nyang nasa labas lang ito pero halos nabaliw ito ng makita nyang wala na ang lahat ng gamit ni Alley. Tumawag ito kina Jasper upang tumulong sa kanya sa paghahanap. Samantalang naiwan naman si Rina para magbantay kay Aly. Pinuntahan nya ang bahay ni Alex pero wala ito doon. Para syang namatay ng mga oras na iyon dahil hindi man lang matawagan ang phone nya at ni hindi man lang ito nagpaalam. Ilang beses syang nagtanong kung ano bang kasalanan nya kasi handa naman syang humingi ng sorry at gawin ang lahat. Handa na rin sana syang magsabi lahat pero bigla na lang syang nawala kaya naman nung mamukhaan nya si Alley ay sinundan na nya ito palabas ng club.


"Alley ko... Marami pa akong gustong sabihin. Please, hear me out." Pabulong na sabi ng nanghihinang si Allen.



Umiiyak na nakaharap si Aleina sa likod ng pinto kung saan nakaharap si Allen.



"Hayaan mo muna ako. Please, layuan mo na ako. Ayoko na, Allen. Pagod na ako."



Muling kumatok si Allen ngunit hinang-hina na ito. Dumating si Rina at si Lei. Tinitigan lang nila ang likod ni Allen na mahinang umiiyak at kumakatok. Napakapit si Rina sa braso ni Lei dahil sa nakikita nyang nasasaktan ang bunso nilang si Dexter.



"I can't just let you. You promised me, right? That you'll never leave me? But you did. You left me. But I'm still here, chasing you. Chasing for you. Ako. Ako, Alley ko. Hindi ako mapapagod. Magpahinga ka muna, magpahinga ka muna at ako na--"



"Please lang naman. Let's end this. Let me end my sufferings.."




"Am I that burden to you? Me and Aly?"



Hindi na napigilang humikbi ni Alley. Mas lalong nasaktan si Allen ng marinig ito. Hindi na muling sumagot pa si Alley.



"I am not giving you up. Let's end your sufferings but we are not going to end our relationship. I'll be back tomorrow. Sleep tight. Don't stress yourself."





Ilang minuto pa ang itinagal ni Aleina. Binuksan nya ang pintuan at nakita nyang inaalalayan ni Lei at Rina si Allen.



"Hey. Don't bother coming back.. Wala ka ng babalikan."



Napangiti ng mapait si Allen at umagos na naman ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Binalak lingunin ni Rina si Aleina upang sagutin ito pero pinigilan ito ni Allen.



Naglakad na sila at pumasok sa sasakyan. Hindi na nilingon ni Allen si Alley.



"Whatever you say, still my heart belongs to you so I have reason coming back. Hindi kita papakawalan ngayon, kahit kelan. I won't."



At umidlip si Allen sa byahe.



But Aleina waited for his Allen to come back.



Halos gabi-gabi itong nagpupunta sa bahay ni Alex ng lasing at kinakalampag ang pintuan pero ni minsan hindi nya pinagbuksan ito ng pinto.



Nag-umpisa ang klase nila. Wala pang gaanong ginagawa ang mga ito. Sa klase nila,silang dalawa lang ni Alex ang magkaklase sa kanilang magkakaibigan. May break silang 2 hours, 1 hour for lunch break and another hour for their subject now. Wala kasi silang prof.




"Hi, I'm Carlisle Perez."



Nagulat ito sa biglaang pagpapakilala ng lalake sa harap nya.



"Hello. Ivy Aleina Villafuerte.." napatitig si Aleina kay Carlisle.



"I heard na member ka ng Dance Team?"



"Yes."



"Ivy Aleina, kelan ang workshop and audition?"



"Workshop starts this 28 , isang buwan yun. Tapos after a week yung audition. And, oh ..Carlisle, call me Vee." and then she gave him her billion-dollar-smile.




Carlisle is a pretty boy, he looks studious. He's a hunk. He has this manipulative eyes, she saw it. He has this good aura. They can be friends.


"Everyone calls me Carlisle. But for you, Isle is more soothing."



"No one calls me Vee."


Nagtawanan sila. Hindi alam ni Aleina kung bakit napakagaan ng loob nya kay Isle.



"Alley. Tara na sa canteen?" tawag-pansin ng kapapasok lang ng room na si Alex. Nga-nga ito ng mahagip ng paningin nya si Carlisle.



"Carlisle Perez of SEA ?" [Se-ya: School of Engineering and Architecture]



"Yes, miss?"



"Oh, gosh! Ahhhh! Bakit kausap mo ang bessy ko?!"





Nalito si Aleina sa binigay na reaksyon ni Alex.




"Sis, calm down. So what if he's Carlisle? You act too much."





"Miss, I am here for my supposedly class. Vee's my friend. You are?"





"Who's Vee?"





"Sis, ako yun."




"The hottest student in this University, Carlisle's your friend ?"



Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Alex.




Napailing na lang ang dalawang nasa harap nya at umalis.

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon