49

7.5K 87 2
                                    

Natawa lang si Lei sa sinuhestiyon ni Alley. Para sa kanya ay isa iyong malaking joke.



"You're just upset. Wag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo."





Tinalikuran lang sya ng kausap nya. Magsasalita pa sana sya ay agad namang umimik si Alley.





"Lahat ng sinabi ko, pinanindigan ko. Ito pa ba?"





"Then, panindigan mong minahal mo si Allen!"





Agad na napatayo si Alley na ikinagulat ni Lei, walang tigil na naman kasi ang pag-agos ng mga luha nito.




"Hindi na ako yung tipong maghahabol! I'm done chasing him.. I'm done giving him my attention and all. He's not into me anymore. Hindi na nya ako mahal."





Pinakamasakit para kay Alley ang huli nyang sinabi. Oo, hindi na nga sya mahal nito. Hindi na nya nararamdaman ito. Nung una ay hinayaan nya lang ito pero nagkamali yata sya. She was wrong in tolerating him.




Iyon na yung huling kasa nya ng pasensya. Ni hindi nga nag-abalang sundan si Alley, oo, tumawag sya at hinanap sya pero nag-effort ba sya para lang makita sya? Hindi.





"Ayokong masaktan, Aleina. Ayoko na. Tapos na ako dun 3 years ago. Pero mas lalong ayokong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan.."




Lumuhod ito at saka hinawakan ang mga kamay ni Alley habang matama silang nagtititigan.




"Totally end my breath-taking pain, Lei."




"Hush... I will, baby, I will."




Niyakap ni Alley si Lei, hinagkan naman nito ang napakahaba at napakabangong buhok ng matagal na nyang minamahal.




Tanging naglalaro na lang sa isipan nya ay

'Tama ba ang gagawin 'ko? Really, Lei, you're going to be a rebound, tho I don't really care anymore as long as Aleina's with me. Tama ang gagawin ko. Sasaya sya. Sa akin sya sasaya.'


--

"Hindi pa tayo nag-uusap ng matino, Alley, kaya wag mo 'kong tatalikuran!"




"Bakit, Allen? Kulang pa ba? Kulang pa ba yung binigay mong sakit? Kasi kung oo, sabihin mo muna sa akin kung saan ako nagkulang at nagkamali!"





She tried to pulling her baggage when Allen stayed quiet.



"Bukas, dadaanan ko yung iba kong gamit or baka si Lei na lang. Take care of baby Aly."





"W--wait, please..."





That struck her. His shakey voice and full of begging..





"Allen, sasabihin mo lang naman sa akin lahat, e."






"Sasabihin ko sayo lahat pero, hindi ka na babalik sakin, di ba? Wala ka ng planong bumalik sa akin, Aleina, e! Narinig ko yun, e. Bakit naman ganun?"





"Bec--"





"And you wanted him to marry you. Ang buong akala ko pa naman, sa akin umiikot yung future mo, Alley. Ako na gustung-gusto ka ng pakasalan dati pa, hindi mo pinagbigyan. Why him? Bakit? Ay--ayoko ng ganito. Tapos na dapat akong masaktan, e,  but why do you still keep on hurting me?"






The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon