10

11.8K 164 0
                                    


"Eh bakit ba kasi hindi mo kami ginising kagabi.. Hindi tuloy sila nakauwi."

Oo, hindi nakauwi sa bahay nila ang boyfriends namin Alex.


"Kasi naman, sis. Gusto na ring magpahinga ni Jasper pagkarating namin. Tsaka okay lang yun, naka-leave sila."

Sinimangutan ko na lang si Alex at bumaba na papuntang kusina. Tulog-mantika naman si Dexter kapag ganito eh. Dadalhan ko na lang siguro sya ng breakfast nya sa taas.

Gumawa lang ako ng pancake tsaka naglagay sa baso ng freshmilk. Paano kasi, paubos na pala stock ni Alex. Maggrocery na lang siguro ako mamaya, meeting ngayon ng mga professor bago mag-end ang pasok this Saturday. Exam na rin namin bukas hanggang Sabado. Dalawang araw na lang at bakasyon na!

Inilagay ko sa tray yung inihanda ko.

"Alex. May itinabi ako sa mesa para sa boyfriend mo, dalhan mo na sya. Maggrocery pala ako mamaya."

"Sige, sis. Thanks. Hindi pala ako makakasama sa pamimili. Uuwi ako kina mama eh, mag-iiwan na lang ako ng share."

"Wag na, sis.Ganito na lang. This month, ako ang bahala sa groceries at ikaw sa city services. Next month,  ako naman sa city services at ikaw sa groceries."

Yun nga ang napagkasunduan namin. Iniakyat ko na yung dala ko.
Pumasok ako at isinara ang pinto.

Inilagay ko sa bedside table ang tray na kinalalagyan ng almusal nya.
Naramdaman yata nito ang pag-upo ko sa tabi nya kaya nagising ito..

"Nagising ako kanina pero wala ka sa tabi ko. Akala ko iniwan mo na ako, eh, pero pumikit ulit ako baka paggising ko nasa tabi na kita."

Pikit na sabi nito sa akin.

"Hmm. Naisipan ko lang naman kasing ipagluto ka ng breakfast for our first morning. Kaso out of stock pala sa groceries si Alex kaya ito lang nagawa ko."

Kinuha ko yung tray na nasa lamesa at saka inilapag ito sa kama. Balak ko kasi syang subuan, anng sweet ko 'no? Bigla na lang nya akong niyakap mula sa likod, nakayuko nyang ipinatong ang ulo nya sa balikat ko.

"This' why I've fallen in love with you. Thank you for completing my morning."

"Ang drama mo. Kain ka na.. Susubuan kita."


Humarap ako sa kanya at saka sinubuan. Masaya ako. Ito na nga talaga, may matured boyfriend ako, at alam kong hindi ako lolokohin nito.

"I love you, Ivy Aleina."

Sasagutin ko sana yung sinabi nya kahit alam kong hindi tanong yun to my surprise, he gave me a slight kiss on my lips.

"I love you, too, Dexter Allen."

Fvckinsht! Kung nakakamatay lang ang kilig, patay na siguro ako ngayon!

"You're blushing, wife."

Ano?bAno daw sabi nya?

"Huh?"

"Wife, you are blushing.."

Tama nga yung narinig ko!


"Ah.. Ano.. ahh .He-he."

"Tinawag lang na wife hindi na makapagsalita ng maayos? Tsk." he pouted! Good gracious!

"Uwi ka na nga. Hatid na lang kita, ibinigay ko kasi yung susi ng sasakyan mo kay Jasper kanina pauwi, si Alex umuwi kina Mama nya baka bukas na uuwi yun. Ihahatid na kita sainyo pati yung gamit ko tsaka ako magrocery."

"Ano???! Bakit ngayon--"

"Hep hep hep! Ayoko ng maingay. -_- Reklamo pa more, tapos na nga eh."

Unti-unti kong nasilayan ang ngiti sa mga labi nya. Bakit kaya?

"Sige, ihatid na natin yang gamit mo sa bahay natin tapos sasamahan kita sa mall."

"Eh? Wag na. Ako na lang, magpahinga ka na lang para sa duty mo mamaya."

"Ivy, hindi nga pwedeng hindi mo ako kasama! I'm your boyfriend! I want to go with you!"

Nagtaas na ito ng boses kaya naman pumayag na ako.
Nakarating kami sa bahay nya ng hindi kami nag-iimikan. Sya ang nagdrive ng kotse ko. Inilabas na nya mula sa compartment ng sasakyan ko yung maleta ko. Sumunod ako sa kanya sa loob.. Naabutan namin ang mga kasamahan nyang mga Dj at Mc sa club.

"May dapat ba kaming malaman tungkol sa maleta na yan?" taas-kilay na tanong ni Dj Rina. I got this fvcking feeling that she doesn't really like me for Dexter.

Ngumiti si Jasper sa kanilang lahat at sya na ang nag-anunsyo dahil sa hindi na rin kami umiimik nitong nasa harap ko.

"Guys, sinagot na ni Alley si Allen, alam nyo na....Possessive boyfriend itong si ating Allen kaya yung kalahati yata ng gamit nitong si Alley,veh, dito na rin titira."

"Woah. You really are serious about her, aren't you?" Rina questioned.


"Rina, stop nagging! You, brat!" sigaw ni Lei na syang nagpatahimik sa kanilang lahat dahil kanina pa naman kaming tahimik ni Dexter.


"Tara na sa kwarto." simple ngunit matigas na sabi ni Dexter kaya naman gumayak na kami papasok sa kwarto. Pero bago pa man maisara ang kwarto ni Dexter ay..


"Alley never deserves what's happening. Kaya hindi nyo ako masisisi kung ayaw ko sa relasyon nila!" matatag na sabi ni Rina na syang nagpabigat sa loob ko sa di malamang dahilan.


Don't I really deserve someone to be happy with?

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon