17

9K 138 2
                                    

Five days. Five days since nag-umpisa na yung trainings namin. Palaging pagod, late na rin nakakauwi. Hindi na kami nagkakaabutan minsan ni Allen.



Buti na lang at walang practice tuwing weekends. Makakapagpahinga na rin ako. Hindi pa kasi ako pwedeng lumabas ng gabi o sumama sa trabaho ni Allen dahil sa mga pasa ko sa legs kapapractice. Tadtad nga ngayon ng salonpas ang iba't ibang parte ng katawan ko.



Bumukas naman ang pinto "Oh. What happened to you?!" alalang sigaw ni Allen sa akin.


"Ganito talaga kapag sagad sa practice, sasakit lahat. Ang aga mo namang nakauwi galing meeting?"


"Ah. Oo..Oo nga eh. Samahan mo naman ako mamaya, please?"



Iba ngayon ang aura nya, parang may pinoproblema sya. Pati tuloy ako parang nahihirapan din para sa kanya.


"Allen ko, something happened to your meeting? You want us to talk about that?"


"Not really. I just want you to come with me later.."


"Allen.."


Suminghap ito at..


"Ahm, sige. Wag na lang. Magpahinga ka na, para makabawi ka ng lakas mo, kinawawa mo kasi masyado yang katawan mo. Maliligo lang ako."



Kanina pa nakaalis ito sa harapan ko dahil hindi ko maialis sa isip ko yung kakaibang aura nito. Ewan ko ba.


Kumuha ako ng fitted pants ko, spaghetti strapped ko at undies. Sasamahan ko sya. Lumabas ako sa kwarto at sa kabilang CR ako naligo. Itong bahay nya ay may apat na malalaking kwarto. Pinag-ipunan lang nya ito ng dalawang taon, tumitira dito si Jasper.



Ni-blower ko yung buhok ko para matuyo. Naglagay muna ako ng salonpas kanina bago ako nagpants at nagdamit. Hindi ako naglagay sa likod ko na makikita ng iba.



"Oh.. You should rest, saan ka pupunta?"



"I'm going with you.. Ready ka na ba? Wala ka na bang naiwan?"


Nangiti lamang ito sa akin. May kakaiba talaga.


"I love you so much, Alley."


"I know that already, that even my love for you won't be able to catch that up. Pero kahit na ganun gusto ko pa rin sabihin sayong , I love you that much too."


He hugged me. Kissed the tip of my nose. He's my Allen.



"Shall we go already?" tanong ko sakanya.



Binuhat naman nya ako habang titig na titig ako sa mukha nya. 'Ano bang problema?' Gustong-gusto kong itanong sa kanya pero natatakot naman akong malaman kung ano yun.


"Maaga tayong uuwi mamaya. Until 10 pm lang ako."


"I know your sched, babe. Sasamahan kita sa booth mo mamaya huh? Gusto kong nasa malapit lang ako sayo."



"Alley. Hindi pwede eh. Baka nandoon ni Ma'am Chit."


"Uhh. I understand. Sa--"



"Sasamahan ka naman ni Rina sa VIP namin eh."


"Are you sure about that? Baka kasi--"


"Hindi. Sya ang mismong nag-offer nun. Sana maging ok na kayo sa isa't isa. I love you so much and she should accept that fact."


Ngumiti na lang ako at saka tumingin sa dinaraanan namin.


Kinakabahan ako sa pinapakita mong ikaw ngayon, Dexter Allen.


Nakarating kami sa Club. Marami-rami na ring tao. Yung mga bumabati palagi sa akin sa club ngiti na lang ang ibinibigay nila sa akin.


Nakarating kami sa VIP nila, parang iba rin ang aura nila. Pero nginitian naman nila ako. Nagpaalam naman na sa akin si Allen at ginawaran naman ako ng halik bago ito umalis.



Tumayo si Rina at naglakad papunta sa akin.


"I'm sorry. I know I've been harsh on you, I have reasons. Sorry."


Ngumiti ako sa sinabi nya. "Wala na lang naman yun sa akin eh."


"Can you promise me a thing?"


"Huh? Sure.. Kung kaya ko."



"Alam kong mahal na mahal ka ni Allen. At alam ko ring mahal mo sya.. Alley, kahit anong mangyari, makikinig at iintindihin mo si Allen, ok?  Wag na wag mo syang iiwan." hinawakan nya ang mga kamay ko.


"All of you are really acting strange tonight. Iba ang aura nyo specially Allen, may nangyari ba kanina sa meeting nyo?"


Nagulat si Rina.. " Ah.. Meeting? Ah. Yeah, the meeting went well. Tara?"



Tinanguan ko sya. Nagkwentuhan lang kami at saka nag-inuman.


"Rina, baba lang ako para mag-cr.."


"Do you want me to come with you?"


"Ahy, no. I can manage.. Babalik rin ako agad."


Magsasalita pa sana ito pero hinalikan na ito ng boyfriend nya, nakakatuwa at dalawang taon na pala sila nito. Sana umabot at malagpasan rin namin ito ni Allen.


Bago ako lumabas ng cr ay humarap muna ako sa salamin. Mukha akong pagod pero maganda pa rin naman ako. Biglang may pumasok na babae, umiiyak.



"Miss, are you ok? Here, I think you need this." sabay abot ko ng tissue sa kanya.



Tumingin ito sa akin.



"Thank you.." inabot naman nya ang tissue at nagpunas ng luha. She's pretty but I am beautiful, I'm sexy and I know am hot.


"What's the problem, miss? I can listen if you want to."


"I know, hindi na nya ako mahal. Tanggap ko naman yun eh, pero ang sakit na malaman at marinig pa rin sa iba na masaya na sya sa iba at mahal na mahal nila ang isa't isa."


Tumahan ito at tumakbo palabas ng CR. Sinundan ko ito pero agad na syang sumakay sa taxi.


Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nya.


Naglakad-lakad muna ako papuntang 7eleven. Bumili ng tubig at saka bumalik ng club, alam kong napatagal ako. Malayo-layo rin kasi yun mula sa club.



Agad akong napatakbo sa parking lot ng may narinig akong nabasag na bote at boses ni Rina na sumisigaw.



"Oh, gosh! Anong nangyare? Anong nangyare?!!" kabadong tanong ko sakanila habang nakaluhod ako sa harap ni Allen at inalalayan itong tumayo.



"Eh naparami pala yung inom nya sa booth, tapos hinanap ka nya.cNung hindi ka nya nahanap, hayan..." sagot ni Rina. "Saan ka ba galing?" muling tanong nito.



"NANLALAKE KA?! HINDI MO NA AKO MAHAL?! BAKIT GANYAN KA!!"  galit na sabi Allen habang ipinapasok ko sya sa sasakyan.



"Wag ka ng maingay. Wala akong iba.. Alam mo namang sobrang mahal kita, eh." isinuot ko sakanya yung seatbelt at isinara ko yung pintuan.



"Sorry sa nangyari. Uuwi na kami.. Thank you pala. Ingat kayo."



Tahimik na umiyak si Allen sa buong byahe namin. Magtatanong na lang ako sa kanya mamaya.

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon