19

8.2K 121 0
                                    

Third Person's POV


Alas kuwatro na ng umaga pero hindi pa rin nakakatulog si Allen. Pinagmamasdan lang nito ang mukha ng babaing pinakamamahal nya. Paggising nito ay sasabihin na nya ang totoo, at umaasa pa rin itong hindi sya iiwan kahit anong mangyari gaya ng ipinangako ni Alley sa kanya.


Tumayo ito sa pagkakahiga, kinumutan nya si Alley at nagdiretso ito sa CR. Naligo ito. Susunduin nya ang kanyang anghel.


'Sana matanggap nya tayo.' sa isip ni Allen.

--

Nagising si Alley na wala na si Allen sa tabi nya. Tumingin ito sa cellphone nya upang tignan yung oras. Alas sais na ng umaga. Tumayo na ito kahit masakit pa ang lahat sa kanya. Parang naiirita pa ito sa paglalakad. Napangiti na lang sya ng maalala ang nangyari sa kanila ng kanyang Allen.


Pagkatapos nitong maligo ay lumabas sya ng kwarto. Nagtaka sya ng may makita itong maliit na maleta sa sala.

'May pupuntahan kaya sya?

Teka..Wala naman syang maletang ganito kaliit.At pink pa?" lihim itong natawa sa naisip.

Hindi niya ma-imagine.


Nagulat ito ng biglang lumabas si Allen sa isang kwarto. Nakatitig lang ito sa kanyang Alley, he looks so bothered.


"You, okay? Ngayon mo lang yata binuksan ang kwartong yan?" sinalubong nya ito ng yakap at madaliang halik sa pisngi.


"I can hold onto your promises last night, right? I know you love me enough not to leave me, yes?" nakayukong tanong ni Allen sa kaharap nito.



"Ano bang problema mo, Allen? Kagabi ka pa ganyan!" naiirita na rin si Alley.



"C'mon." hinawakan nito ang kamay nya at dinala sa kwarto kung saan sya lumabas kanina.


Literal na nanlaki ang mga ng babae. There's a little girl sleeping on the bed. Iginala pa nito ang paningin sa loob ng kwarto, pambata nga.. Kulay pink halos lahat ng gamit at saka puti. Pero nanatili ang titig nito sa isang collage frame sa dingding. Mga larawan ito ni Allen at ng baby hanggang sa lumalaki yung bata na ngayon ay nasa loob ng kwarto na ito at natutulog.


Naiyak si Alley at hindi nakaya ng tuhod nya kaya ito napaupo sa sahig. Napahawak pa ang isang kamay nito sa bibig upang pigilan ang pagkawala ng hikbi nito.



"Ano na naman ba itong pakulong ito? Hindi nakakatuwa, Allen!"



"Sorry kung naglihim ako, Alley. Baka kasi iwan mo na lang ako kapag nasabi ko na sayo na may anak ako." marahas na nilingon ni Alley ang kanyang si Allen. "Yes, Alley. She's my daughter. Matatanggap mo ba kaming dalawa?"



Hindi sumagot ang dalaga sa tanong ni Allen. Hindi sya makahanap ng tamang salitang sasabihin.
Tumayo ito at akmang tatakbo palabas pero agad itong nayakap ng lalake.



"Let me go." malamig na utos ni Alley.


"Kaya ako naglakas ng loob para sabihin sayo ito kasi binigyan mo ako ng assurance last night. Na kahit anong mangyari di ba? Hindi mo ako iiwan. Parang awa mo na. Mahal na mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita, Alley. Please, tanggapin mo kami."



"Nasaan ang nanay nya? Sinong nagdala sa kanya rito?"



"Nasa Canada ang mommy nya. Iniuwi sya ng lola nya rito. Para makasama ko naman daw. She's our Alyanah Faith." halos pabulong ng paliwanag nito sa yakap-yakap nyang si Alley.


Nilingon ulit ni Alley ang natutulog na si Alyanah. She's beautiful. She's so angelic. Naluha na lang ito. Hindi dahil sa ayaw  niya ngang tanggapin pero dahil ito sa sakit na nararamdaman nya na ikakamatay yata nito kapag hindi nya ito tinanggap. Anak pa rin ito ng Allen nya. Walang kasalanan ang bata.



'Magpapakatanga ba ako? Pagpapakatanga ba na tanggapin ko pa rin si Allen kahit may anak na ito? Ang sakit. Pangalawa na naman ako.
Kailan ba darating yung ako naman yung mauuna? Yung ako muna. Yung ako lang.' sa isip-isip ni Alley.



"Alley, parang awa mo na..." nahihikbing pakiusap ng nakayakap pa ring si Allen.



"Tama na.."



"No, baby, please.."




"Allen naman, e. Please.. Let me go."




"God, Alley! I can't lose you!" tuluyan ng naiyak si Allen.



Napangiti naman ng lihim si Alley.



"Hoy, Mr. Avuevo. Kung ngangawa ka pa dyan. Let me go already! Baka magising si Baby Aly! Sige ka, ikaw magpapatahan nyan." banta ni Alley.



Napakalas ng yakap si Allen at hinarap si Alley.



"You are not leaving me?"



"Why? Do you want me to?"



"Hell , no! Of course, not!"


"Right! Because I am not going to leave you. Ok?"



Lumabas si Alley para kunin ang maliit na maleta papasok sa kwarto ni Baby Aly. Pagkaayos ng mga gamit nung bata ay naupo sa lapag si Alley na sinundan naman ng boyfriend nya.



"Thank you so much, baby."


"Ilang taon na sya?"


"She's already 3 years old."



"Kanina ko pa sya tinititigan eh, kamukhang-kamukha mo sya, Allen ko."


Napangiti silang pareho.



"Yes. Kutis lang at pananalita ang namana nya kay Beverly."


Napayuko rin agad si Alley pagkatapos magsalita ni Allen.



"Wag ka ngang yuyuko. Para kang ewan." at hinawakan ni Allen ang baba nito upang iangat.



"Beverly? Mother of Aly? Maganda ba? Ano? Matangkad or--"



"Yes. Mother of Aly. And also, yes. But you are way more beautiful than her." napangiti ito sa sagot ng lalake.




Hanggang sa nagising ang bata at umiyak. Nagkatinginan ang dalawa at..

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon