22

8K 110 1
                                    

Pero hindi inakala ni Alley na iyon na pala ang huling pagkakataon nya para hayaan ang sarili nya sa pagiging tanga.



Titig lamang ito sa mukha ng lalaking minahal nya ng sobra. Alam nyang pagod ito galing trabaho at nakainom rin ito kaya hindi basta-basta magigising si Allen ng iilang kaluskos lamang.



Inilagay nya sa maleta nya ang mga gamit nya, nagmamadali ito pero maingat sya. Gustong-gusto na nyang makalayo at ng makaiyak na sya.



Kahit mabigat ang maleta nito ay pinilit nyang buhatin na lang para hindi makagawa ng ingay.



Pinaharurot na nya ang kanyang sasakyan palayo sa bahay ni Dexter Allen. Pero saan sya didiretso? Alam nyang kina Alex ang unang pupuntahan nito pagkagising nya at mapagtantong nawawala ito.




'You are living with your Dj Dexter? With his baby? Abi, you are not supposed to live like this! Being the other woman of a married man? I know your parents raised you well.. And I am not telling you all of these to destroy your happy life. But you don't deserve it, a life full of lies. Have you ever asked him where's the mother of his child and what's his relationship with her right now? If you did, why are you still staying with him? I guess, he told you lies, again. Hindi ka ba nagtataka? Wala ka pa bang napapansin? Gusto kong sabihin sayo 'to sa personal but I know you won't let me.. But please move on already..

The man you are in love with is already MARRIED.'



Nakalayo na sya. Alam nyang malayo na sya, pero tila parang isang xerox machine ang utak nya. Memorized ang buong text ni Jared sa kanya. Oo nga, napakatanga nya. Sobrang nagpakatanga sya..



Palagi na lang syang pangalawa..



Nagmahal lang naman sya pero bakit ang sakit ?



The man you are in love with is already MARRIED.



The man you are in love with is already MARRIED.



Paulit-ulit na naririnig nya sa utak nya.



"Gosh! Pumatol ako sa may-asawa na! Ang tanga, Aleina! Bakit di ka nagtanong?! Masyado kang umasang loyal sya at magsasabi ng totoo! Let's stop this crazy non-sense life."



Patuloy ang pag-agos ng luha nya. Napadpad sya sa isang Inn kaya naisipan nyang doon muna magpalipas ng gabi.



Pagkahiga nya gusto na nyang magpahinga pero parang ayaw talaga ng katawan at mga mata nya. Kinapa nya ang phone nya at tinawagan si Jared.



Hi. How'd you know about him having a family?


'I am so sorry,Abi.Alam--'


Gosh! Just.. Just please tell me!


Napapasigaw sya dahil sa kaba at umaasang sinisira lang sila nito pero hindi pa rin pala. Totoo pa rin pala.



'I heard them talking at the parking lot. Tinatanong kung sinong kasama ng anak nila while he's on duty. The wife's name is Beverly. Nalaman kong mag-asawa sila dahil ipinaalala nung babae na kasal sila. Dumating sila Rina at sila nga ang nagconfirm na asawa nga nya yung babae by just simply saying 'Sht!Your wife's already here, but how about Alley?'.. Hindi ako umalis hangga't hindi natatapos yung usapan pero hindi umimik si Dexter, Abi. Instead, sumakay na agad si Dexter at umalis.'



Yun lang ba??



'Oo. I am sorry, Abi. Gusto lang kitang tulungan. I don't want you to get broken again. But you already are, twice.'



I am okay. Thank you.


Pinatay na nya ang tawag at saka in-off ang kanyang phone. Umiyak sya ng umiyak hanggang sa malakas na hikbi na lang ang nagagawa nya.


"Was that the reason why Rina don't want me for Allen even if she likes me? I guess, that's reason behind why they acted strange the last time? Oh, sht! I'm so damn fvcked up!"



And then she buried her face in his hands and started crying again.



"I never wanted this kind of life, please. Give me a break."



Pagkagising nya kinaumagahan ay agad syang naligo at nagpalit.



'Lilipat muna ako kina tita, siguro naman galing na sila doon dahil tanghali na.'



"Tita, iwan ko muna 'tong maleta ko. May rehearsals pa kami eh."



"Sige. Pero teka, bakit maga ang mukha mo?"


"Tita, kasi umiyak ako sa pagkabagsak ng katawan ko nung practice namin last night."



"Eh? Bakit ka pa pupunta?"



"Manunuod lang po. Tita, pag may nagpunta dito at hinanap ako pakisabi na umuwi ako sa Manila. Bye po."



Hindi na nya pinagsalita pa ang kanyang tita. Nagdesisyon syang umuwi kina Alex. Kailangan nya ng makakausap. Kailangan nyang ilabas lahat ng sakit at sama ng loob nya.



Pinindot nya ang doorbell. Safe sya dahil mukhang walang tao kundi si Alex lang. Kotse nya lang ang naka-park sa loob at wala ng iba.



Nakita agad sya ni Alex kaya tumakbo sya papuntang gate para pagbuksan  at papasukin ito.


"God! Aleina, I was so godd*mn worried since last night! Where have you been and what happened?! You didn't use your car to get here?! You stupid, sis!"

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon