26

6.9K 110 1
                                    

"C'mon, Alley! Hindi namin alam kung bakit ka nagkakaganito. Kung bakit biglaan kang umalis ng hindi man lang nagpapaalam kay Dexter! Please, sumama ka na sa akin."


"Rina. Ayoko na nga. Ayoko na."




"Well, atleast tell me why. Kasi hindi kita tatantanan hangg--"




"Alam ko na lahat! Nagpakatanga ako! Nagmahal ako ng lalaking may asawa na! Pamilyado na! Kaya pagod na akong magpakatanga! Nauto ako, Rina. Kaya ayoko na.Wag na ako, iba na lang! Hindi ko kayang manira ng pamilya.. Maawa naman na kayo sa akin, oh kahit hindi na lang sa akin, maawa na lang kayo sa pamilya ni Allen."




Humagulgol sa iyak si Aleina. Napatakip naman ng bibig si Rina sa narinig nya kay Alley.





Nilapitan ni Rina si Aleina at niyakap.




"I'm so sorry. I tried talking to him about this matter but he never listens. He kept you because he really loves you. Alam kong masasaktan ka kaya nagbigay ako ng attitude sayo nun but I like you for him. Yung gabi na umalis ka sa bahay ni Dexter, dapat sasabihin na nya lahat sayo. Pero alam mo na pala. Hindi man namin alam kung paano pero, hayaan mo naman syang magpaliwanag. He's not Dexter Allen without you, he's strong and sweet when you're around but then he's weak when you're not with him. Hear him, Alley."



Kumalas sa yakap si Rina at tumalikod dahil ayaw nyang makita si Alley'ng umiiyak.


"If you want to end your sufferings, end Allen's too."



Huling katagang narinig ni Aleina kay Rina.

--



Isang linggo na rin pala nyang iniiwasan si Allen. Nang makausap nya si Rina kahapon ay parang gusto na nyang maniwala. Gusto na nyang marinig ang mga idadahilan sa kanya ni Allen.



"Vee! Lunch tayo?"


"Isle kasi ano, eh, may pupuntahan pa ako. Baka dun na lang rin ako maglu-lunch.."



"May isa ka pang subject mamaya di ba?"



"Wala pa namang classcard eh, ok lang.. Sige, bye. Take care, Isle."



Kanina pa sya sa loob ng kotse nya.



'Busy kaya sya? Makikipagkita kaya sya sa akin? Bakit hindi sya nagpunta sa bahay kagabi, pagod na kaya sya?'



Pero bigla syang napapreno, lumakas ang tibok ng puso nya, at parang gusto na nyang umurong sa pakikipag-usap kay Allen.



'Aleina, let's talk. Pwede ka bang mahpunta dito sa bahay? May ipapakilala lang ako sayo at saka gusto ka ng makita ni Alyanah. Ngayon lang, please, kahit para kay Aly na lang. After nito, kung wala na talaga. Then let's end this.

-Allen'


Susuko na si Allen? Nalungkot ito pero iyon naman ang gusto nya. Huminga ito ng malalim at nagpatuloy sa pagmamaneho.


Nag-doorbell ito. Walang nagbukas, nakita naman nyang nakabukas yung gate kaya pumasok na lang ito.


And there she saw Aly's sleeping face. Buhat sya ng isang babae. Nakatalikod kasi ito.



'Hindi naman siguro nya yaya ito, di ba?'


Halata ang hubog ng katawan nito kahit nakatalikod. Maputi ito, mukhang bagay naman sa kanya ang gray spaghetti strapped at maong shorts na nagpakita ng magagandang legs nito. Mahaba at bagsak ang buhok nito. Hula nito'y nasa 5'5 ang height nito.



'Mas matangkad ako, 5'8 kaya ako. Morena ako pero maganda at makinis ang balat ko. Mas sexy ako, hot. Hindi mahaba ang buhok ko pero halatang alaga ito. Eh, bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanya? Eh, baka pag humarap yan ma-disappoint lang ako dahil baka mas maganda ako sa kanya..'



Kinalma muna nya ang kanyang sarili and she gave her beautiful smile.


"Hi, miss? Excuse me?"



Lumingon naman sa kanya yung babae at ngumiti. In fairness, maganda nga sya pero.


'Mas maganda ako sa kanya.' and the she smirked.



"Yes? What do you need?"



"Sorry kung pumasok na ako agad, bukas kasi yung gate."


"Ok lang. Halika sa loob."



Inihiga nung babae si Aly sa sofa.



"Miss. Coffee or juice?"


"Juice na lang."


Tapos nagpunta ng kusina yung babae. Nilapitan naman nya ang natutulog na bata. Hinaplos nya yung buhok ni Aly.



"Hi, baby. I missed you. Nandito na si Mama, I'll talk to your Papa later so wish me luck, ok?" then she kissed her cheek.



"Eto oh." iniabot naman sakanya yung juice.


"Thank you. Ahm, nasaan pala si Allen? Dexter Allen Avuevo?"



"Nasa kwarto. You want me to call him?"



"No, thanks. Ako na lang pupunta sa kwarto nya."



Tumayo na ito at saka naglakad papunta sa harap ng pintuan ng kwarto ni Allen. Pinihit nya yung door knob, pagkaapak ng isang paa nya sa kwarto ay natigilan sya.



"Ako nga pala si Beverly. Beverly Castro-Avuevo."



Naramdaman na naman ni Aleina ang pagpatak muli ng luha nito bago nya isara ang pinto. Parang sinasaksak ang puso nya ng paulit-ulit.



'God! Tumuloy ka pa rin, Aleina, kahit narinig mo na yung babae? Siya.. Siya yung asawa!'




Napaupo ito at napasandal sa likod ng pinto. Agad nahagip ng mga mata nya ang mga bote ng alak sa lapag. Ang topless na si Allen sa kanyang magulong kama. Tumayo sya at nilapitan ito. Nakita nya ang pagtulo ng mga luha ng kanyang Allen.




"Dapat sinampal nya ako, sinabunutan o pinagmumumura bago makapasok dito sa kwarto ng asawa nya. Ako na pumasok na lang sa kwarto mo ng basta-basta. Dapat nagagalit sya kasi imposibleng hindi pa nya alam yung tungkol sa atin. Allen, tama na kasi. Nasasaktan na ako ng sobra, eh."




Hinaplos nya ang mga luha ni Allen na naglalandas sa mga gilid ng mata nito.

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon