32

6.4K 95 0
                                    

"Hindi ko na alam, Allen. Hindi ko na alam kung ano yung tama sa mali. Ayoko na pangalawa lang ako sa buhay ng mahal ko pero bakit ganito pa rin? Hindi ko 'to kaya, Allen..."




"Hindi ka pangalawa, Alley ko. Ikaw ang mahal ko at si Alyanah. Ikaw yung gusto at mahal ko, wala ng iba pa. Wala ng kasunod pa."




Naghiwalay sila sa pagkakayakap.




"How are you feeling now, baby?" biglang tanong ni Allen.




"Allen..Hindi ko alam kung buntis nga ako o hindi. Ayoko. Ayoko pang malaman kung ano yung totoo."





"Pero kailangan nating malaman kung buntis ka nga para makapag-ingat tayo.."




"Mag-iingat naman ako, Allen. Pangako. Just not now. Hindi pa ako handa.."





Yumuko si Alley.




"Lift you head, baby. C'mon.." hinawakan nya ang baba nito at saka inangat. "I know you're worried--"





"Look, Allen. Kung hindi ka naman tinawagan ni Alex at sinabing baka buntis ako, hindi ka naman babalik sa akin, eh. Paano na kapag hindi pala ako buntis? Paano na pala? Maiiwan na naman ako? Masasaktan na naman ba ako?! Of course I am worried!"




Nangiti naman si Allen at hinalikan nya ng puno ng pagmamahal ang labi ni Alley. A kiss full of love and tenderness, a kiss full of wanting and missing.



"Sige, kung ayaw mo munang malaman kung ano ba talaga, hindi ka na namin pipilitin. I will stay by your side every single day. Mahal na mahal kaya kita. Natutuwa ako kapag nagseselos ka, kapag nai-insecure ka but at the same time nasasaktan ako kapag nakakaramdam ka nun. Kasi alam mo ba na ang sakit-sakit kapag binabawian mo ako? Doble ang balik, eh."





Ngumiti si Alley.





"Even if I ask you to stay away from me, please don't.."



Niyakap nya ng mahigpit si Allen at saka bumulong. "I missed you, Allen ko."

--

"Baby, gising na! Alas-otso na, oh. Nakapagluto na ako. Si baby Aly kuma---" biglang umiyak si Alyanah na nasa kusina. "Baby, wait for Daddy! Kainis naman si Mama kasi, eh!"





Narinig ni Alley ang hakbang palayo ni Allen sa labas ng kwarto nila. Bumalik na sya kahapon sa bahay ni Allen, si Alex at Jasper pa lang ang nakakaalam nito.




"Such a nagger. Daddy material." napahagikhik ito.




Naglakad sya ng tahimik palapit sa tinuturing nyang 'mag-ama' nya. Ang ganda ng gising nya.




"Good morning, Daddy and Baby!" tumakbo sya palapit at saka niyakap ang mga ito.





"Good morning, Mama!" masiglang bati ni Aly.




Sumimangot si Alley. "Super ganda ng gising ko at ng bati kong Magandang Umaga. Wala man lang response ang tatay? Nako. Naiiya--"



He kissed her.




Nanlaki ang mga mata ni Alley.



He kissed her again.




"Ah! Allen naman! Ok, busog na ako. Liligo na po ako." tumalikod na sya pero agad na hinigit ang damit nito kaya napausod sya palapit.





"Sit and eat." utos nito.





"Aso lang kausap mo, Allen ko?"




"Just eat."




"Nako, Baby Aly, ang Daddy natin nakakunot na naman ang noo."




"Ingay mo, Alley ko. Kumain ka na dahil mali-late ka na nyan."




"Opo..."



Hindi nya mapigilang kiligin.



Bigla nyang naalala na may asawa na nga pala ang mahal nya.




'No, Alley. Masaya ka na, tama na ang pag-iisip ng kung anu-ano. Binigyan mo na sila ng pagkakataon pero wala. Ngayon, sarili mo naman ang unahin mo. Ikaw ang mahal nya so be it.'




Huminga sya ng malalim at saka ngumiti.




"Hay. Love is in the air." buntong-hininga muli ni Alley.





Napapailing na nakangiti na lang si Allen na pinapanuod ang mag-ina nyang nagsusubuan at nagkukulitan habang kumakain.





'This is the family I wanted to have. This is the perfect family I am dreaming of.' bulong ng isipan nya.




Inihanda na nya lahat ng kailangan ng Alley nya. Uniform, make-ups, black shoes with heels, bags ,etc etc.




"Hindi nakakapagod maging asawa ng isang Ivy Aleina Villafuerte."



Ngumiti ito at nag-inat.



Hindi nito namalayan na nasa loob na rin ng kwarto nila si Alley.




"Hindi rin nakakapagod maging asawa ng isang Dexter Allen Avuevo."



"I love you, Alley ko."




"Mahal rin kita, Allen ko."





She gave him a quick kiss on his Allen's lips and motioned to go to the bathroom.




"Ibang klaseng babae. She can turn my world upside down."



Humakbang sya palabas ng kwarto at saka inasikaso ang anak nila.

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon