31

6.7K 100 1
                                    

Allen's POV




Ilang linggo ko ng hindi nakikita si Alley. Nasasaktan pa rin ako kasi kahit gaano ko pa sya ipaglaban, sya pa rin pala yung unang-unang susuko.



"Mahal mo talaga si Aleina, Da?"




'Da' ang tawag sa akin ni Beverly dahil sa Dexter Allen. 'Beb' naman dahil yun naman ang tawag ko sa kanya kahit noong magkakaibigan pa lang kami.




I didn't regret having Alyanah in my life, but marrying her even if I never wanted to? I did.




"Oo. Sobra. Mahal na mahal ko sya to the point na kaya kitang hiwalayan."




I know, that's below the belt but I just can't help it. Kung sana... Kung sana hindi nya ako minahal, hindi sana ganito kakumplikado ang buhay ko.




Kailangan ko si Alley, Mahal ko si Alley. Hindi ko na kaya kapag hindi sya bumalik sa akin..




"Alam ko. Nasasaktan man ako, may magagawa pa ba ako? Sana, bumalik na kayo sa dati... Gusto ko yung masaya ka. Yung nakangiti ka na hindi lang dahil sa anak natin, kundi pati sa taong mahal mo."




Niyakap nya ako at saka sya nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit nya sa kanyang maleta.




"Are you sure you wanna go home now?"




"Yes. Please take good care of our baby. Susunod kayo agad sa Canada ha?"




Tinanguan ko na lang sya at saka ako lumabas ng kwarto. Narinig ko ang paghikbi nya,



"Sorry, Beb. Mahal ko talaga si Alley."
--

Aleina's POV



Three months.




Hindi na ako ginugulo ni Allen ng dalawang buwan. Wala na akong balita pa sa kanya.. Wala na rin akong balak makibalita pero aaminin ko, nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon dahil..




"Mahal ko pa rin sya."




"Aleina. Sabihin na kasi natin kay Allen yang kalagayan mo!"




"Alex, hindi pa naman natin sure eh."




"Paano'ng hindi tayo makakasigurado eh ayaw mong mag-PT ! Ayaw mo ring samahan kita sa OB! Jusko ka naman, Alley!"




Nag-umpisa na naman akong umiyak. Tatlong buwan na akong hindi dinaratnan. Posible kayang nabuntis nya ako? Natatakot ako. Paano kapag..





"Hello? Allen!" dali-dali akong tumakbo papunta kay Alex para agawin sa kanya ang phone nya pero nakapasok agad ito sa kwarto nya at sinarado ito.




"Alex! Please, don't do this!! Alex!"




Hindi nya  ako pinakinggan.
Nasa Canada na ngayon si Allen, bakit pa namin sya guguluhin duon?




Bumaba ako sa sala  at nagpunta sa kitchen. Uminom ako ng tubig para kumalma na ako. Umub-ob ako sa mesa.




Ewan. Gusto kong umidlip.
--

Third Person's POV




Naalimpungatan si Alley dahil sa mga nagdidiinang boses ng mga nasa paligid nya. Gustuhin man nyang magmulat ay nanatili itong nakapikit.




"Bakit hindi nyo agad sinabi sa amin 'to?!"




"Ayaw nyang ipasabi, Allen! Sa tingin mo ba, sinong matinong tangang babae pa ang magsasabi na baka nabuntis sya ng taong nanloko sa kanya?!"



"Hindi ko sya niloko, Alex!..Tell me, pano ka nakakasiguradong buntis si Alley? Huh?!"




Naramdaman ni Alley ang bitterness sa tono ng boses ni Allen kaya nagmulat na ito ng mga mata. Nakahiga na ito sa kanyang kama.




"Sinong buntis? Ako ba? Pwede ba, walang buntis dito!"





"Why did you hide it from me?"




"Na alin? Na buntis ako? Gosh! Hindi nga ako buntis! Alex, ano ba kasing sinabi mo sa kanya?!!"





"Palagi kang inaantok, mabilis kang mairita, hindi ka pa dinaratnan, palagi kang naghahanap ng puto at kalamansi! Hindi ka pa ba talaga buntis nyan? Look at your tummy, flat ang tummy mo nuon at may abs pero look at your tummy now."





Hindi na napigilan ni Aleina ang nararamdaman nya, pakiramdam nya tinraydor sya ng bestfriend nya. Naluha ito pero agad syang niyakap ng lalakeng nagpapatibok pa rin ng puso nya.





"I missed you, Alley. I am sorry for those pain I caused you. But, I loved you.."




'Loved. Past tense. Wala na. Tama na.' bulong sa isip ni Alley.





"Sorry din. Kung hindi lang ganito kakumplikado, hindi naman ako bibitiw. Pero kasi umpisa pa lang ng laban at kahit saang anggulo natin tignan, talo ako. Na sa akin ang puso mo, oo, pero kalahati ng isip mo at buong pagkatao mo, naipangako mo na sa iisang tao at sa magiging pamilya mo."





Niyakap nya pabalik si Allen.





"Mahal na mahal pa rin kita, Ivy Aleina. Naghihintay pa rin ako sayo araw-araw. Tinitiis kong hindi ka makita para hindi ka makulitan sa akin. Pero kasi Aleina, nasasaktan din ako. Nagpahinga lang din ako at totoo yung nararamdaman ko sayo."






Umalis si Alex sa loob ng kwarto. Nangiti sya sa dalawa.






"Payagaan mong ako na lang yung lalaban para sa atin at ipangako mong mananatili ka lang sa tabi ko sa buong laban ko."





"Allen naman..."





"Maghihintay ako sa sagot mo. Hihintayin ko yang 'Allen naman' mo hanggang sa maging 'Oo.' "





Parang lumundag na naman ang puso ni Aleina sa mga narinig nya.




Posible kayang pumayag sya? Posible nga kaya?

The 17-year-old Mistress (Mistress Series Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon