Better Than Words yeahhhh!

Grabe naman oh. Mamatay na ako mamaya sa kilig. Paano naman kasi eh. Kanina pa sya nakahawak sa kamay ko.

TAPOS AWKWARD PADIN SITWASYON NAMIN KAGABI. May nakakita kaya nun ? Grabe 'yun talaga ikoconsider kong first kiss ko.

Pero at the same time, naiiyak din ako kasi yung taong kahit kaunting panahon lang kami nagkakilala. Andali namin nadevelop. Ewan ko kung paano. Pero sobrang sarap sa feeling.

Sabi nya sakin, di nya muna mamadaliin ang lahat.. MANLILIGAW MUMUNA DAW SYA SAKIN. Oh di ba ? Pero nagtataka din ako kasi nga bakit manliligaw pa sya, eh okay na ako. Pakipot pa kasi eh.

"Jiana ?" nakatingin nanaman sya sakin, tapos tatawa. -.- "Uhm. Pagtapos natin kumain dito, ihahatid kita sa room nyo." request nya kaya naman dali dali akong tumango.

Like duhh ? Matatanggihan ko ba itong mukhang anghel na ito.

Nakaupo lang kami sa bench. Habang sya kinakalikot nya yung kamay ko. At ako nakatitig sakanya, malulusaw na lahat ng malusaw pati Hotdog Sandwich ko 'wag lang sya.

Haaaaaaaay! Kung pwede lang mangrape. Ginawa ko na kanina pa.

"Hm. Niall ?" tawag ko sakanya.

"Bakit ?"

"Tara na sa room. Baka kasi magstart na klase namin." Ito ang pinakaayaw kong drama namin sa istorya na ito. Ang magkahiwalay.

Tumayo sya at hinila ako, tumakbo pa nga eh. Pero syempre naenjoy ko naman.

Saka di ko naman na pinapansin yung mga bulong ng bulong sa paligid namin.

Edi sabihan nila ako ng Malandi. Wala akong paki. Saka si Niall lang naman ang lalaking nagpatibok uli ng puso ko eh.

Nang nasa corridor na kami "Whew. Nakakapagod naman umakyat sa hagdanan na ito." pagrereklamo nya.

"Oh, mag-ingat ka, mahulog ka pa sakin. Maging kasalanan ko pa." tumigin ako sakanya ng diretso sa mata pero pinisil nya lang yung pisngi ko. "Tara na nga! Baka mahalikan pa kita sa kacutean mo, may CCTV pa naman dyan oh."

Niall. Niall. Niall.

Wag mo naman ako pinapakilig ng ganito. Nakakagulo ng utak. Baka kasi kahit may CCTV mahalikan kita.

Hinila nya ako at nang makatapat na kami sa harap ng room. "Paano ba 'yan. Papasok na ako!" paalam ko.

Kumindat sya sabay tawa "Paano ba 'yan, mabibitawan ko na kamay mo." shocks! Nang-iinit mukha ko.

Binitawan nya kamay ko "Mamimiss ko 'yang kamay mo." sabi ko at kumaway na.

"I love you."

>\\\\

"I.... l-love you." pabalik na sagot ko at tuluyan na akong nakapasok sa room. Buti wala pang klase. "Whoaaaaaaaaaaa!" sa sobra kong tuwa napasigaw ako ng malakas.

Dire diretso naman ako sa upuan ko sabay dukdok, grabe di mawala yung ngiti ko sa labi ko.

"Kayo na pala ni Kuya ?" nagulat naman ako sa nagsalita. Nang tumingala ako

"Huh ? *kamot ulo* hindi, nan-lili--gaw palang." mautal utal at hiyang sagot ko.

Naramdaman ko namang dinunggol ako ni Natalia "Boto ako sayo! Pagbutihan nyo ha este...galingan nyo.. este basta 'yun na yun. Ngayon lang kasi ulit sumaya si Kuya eh. Kahit naman kasi para kaming aso't pusa sa pang-araw araw na buhay namin, ayaw ko padin syang nasasaktan lalo na yung umiiyak. "

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay at nakita ko ang mangiyak ngiyak nyang mata "Kung magmahal si Kuya mukhang bakla.." *kunot noo* Ano daw ? "Possesive! Magselos daig pa babae. Basta kapag tumahimik 'yan at di makapagsalita. Galit 'yun. Dati nga kay Ate.."

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon