14

55 2 0
                                    

Luke's Point Of View

Nasa gym kaming dalawa ni Steven.

Oo si Steven, Alam ko sila na ni Aleisha at masaya ako para sa kanila. Medyo nung unang nalaman ko at nakita ko. Gusto ko lahat ng makakasalubong ko masusuntok ko. Di naman kasing di ka maiinis at magagalit. Yung pakiramdam na, kampante kana kasi alam mo babalik sayo pero di pa pala.

Pero wala eh. Baka kasi para sakanya si Aleisha. Magkasundo nadin naman kami at doon kami naliwanagan nung birthday nya kahapon. At masaya ako dahil mukha naman talagang mahal nila yung isa't isa.

"Pare. Ang lalim ata ng iniisip mo ah." sita ni Steven na nagpupush up sa sahig.

"Di naman ganun kalalim." pagpapaliwanag ko at nagjog nalang.

"Hm. Tungkol ba sa akin o sa amin ni Aleisha ?" hinala nito, siguro dahil sa nararamdaman nya din na yun nga talaga iniisip ko. Pero di ko sasabihin na sila talaga. Mamaya isipin pa nya na binabackstab ko sya o sinisiraan sa sarili ko. O kinukulam. Di naman ako ganung klaseng tao.

"Hindi." tanging sagot ko.

"Nga pala. Kamusta kayo ng bestfriend mo ? Grabe. Ang complicated ng sitwasyon natin ngayon no ? Masyadong magulo." pagpapahayag nya.

Nasama nanaman si Jiana dito sa usapan. Sabing bestfriend ko lang-- Bestfriend nga lang ba turing ko sakanya ?

"Pare. Napamahal ka na ba sa bestfriend mo ?"

Napaisip isip ako sa tinanong nya, di ako makapaniwala na magiging ganito ang tanong nya. Napakagay naman. Usapang love.

Pero sabagay, kahapon din naman puro love usapan namin ni Jiana.

"Ano ka ba pare, eh matagal ko naman nang mahal yang bestfriend ko. Para ko na syang nakakabatang kapatid." pagpapaliwanag ko at nang narinig ko syang tumawa, nagtaka ako. Ano bang mali sa sinabi ko ? May nasabi ba akong panget.

"Kapatid ? Pss. Di ako naniniwala. Alam mo pare, hanggang maaga. Wag kang totorpe torpe. Mauunahan ka. Kaya ako kay Aleisha. Go lang ng go." Kaya pala, inagaw mo na agad sya sakin. Okayyyyy! -.-

Saka di ko sya gagayahin, na may nasasaktang puso. Ayan tuloy si Leih. Umasa lang sakanya. Yan tuloy. Boom panes. Si Maynard na at Leih. Pero hinala ko talaga may tinatago yung dalawa nayun.

"Pare. Nga pala, paano si Leih ?" tanong ko sakanya at huminto kakajog. At naupo saka uminom ng gatorade.

"Anong paano si Leih. Eh di naman kami naging ni Leih." napakamanhid nya, di man lang naisip na sya ang gusto ni Leih at wala nang iba. Baka nga talagang makitid ang utak nya.

"Gago. Di mo talaga alam ?" akusa ko sakanya.

"Na ano ba ?" tanong nito.

"NA MAHAL KA NI LEIH." pandidikdikan kong sabi. Tanga eh. Tanga.

Di naman sa, pinaghihiwalay ko sila ni Aleisha. Gusto ko lang talagang malaman nya.

Nakarinig naman ako ng tawa "Haha. Ano ? Nagbibiro ka ba ?" mapang-insultong tanong nya.

Agad agad ko syang binira kaya medyo napaseryoso ang mukha nya "Mahal ka ng tao pare. Wag mo naman paasahin."

"Paasahin ? Eh may girlfriend na nga ako." Oo, at yung girlfriend mo ang isa sa mga nagpatibok ng puso ko.

F L A S H B A C K

Past 3 months.

Natapos narin yang recognition practice meme nayan. Uwian nadin kaso may lahing tanga ang namomoblema ngayon.

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon