31

15 1 1
                                    

"Jiana!" napatingin ako sa direksyon ng tumawag sa akin at nakita ko si Mommy.

Act like normal Jiana, act normal.

"Mmy." tatakbo sana ako papunta sakanya kaso "Ouch!" inda ko ng sakit. No way, I bit my lip and try to faked a smile.

Napakunot naman ang nok ni Mommy "Bakit basang basa ka, at bakit umaray ka ?." nag-aalalang tumakbo sa akin si Mommy, at inalalayan ako.

"N-Nagpumilit p-po kasi akong magswimming kaya 'yung kahapon ko pong sugat namaga." I stuttered, at kahit na pinapakita kong okay lang ako 'di mo padin maayos ang mukha ni Mommy. Para bang nilamutak ng limang beses.

Nabawasan naman ang wrinkles ni Mommy sa noo nang kumalma na sya, at panatag na sya sa dahilan ko, buti nalang expert ako sa mga ganito. "Kumain ka na ba ?" tanong nya, at umiling ako kahit 'yon man lang masabi ko ng totoo, baka kasi di nya na ako pakainin, aba'y 'yon ang hindi ako payag. "Hay. Nagswimming swimming ka tapos.."

"Mom. Tara na po sa room natin." aya ko, nakayuko ako habang naglalakad, mukha kasi akong basang sisiw eh. Parang kawawang-kawawa na batang pinapauwi na ng magulang. Nakakahiya, ang dami pa namang tao na dadaanan namin. Ugh!

Nang makapasok kami ng hotel naramdaman ko naman na inalalayan ako ni Leih "Tsk. Hindi nag-iingat!" she hissed.

"Leih, mababasa ka!" nilayo ko ng onti ang katawan ko para hindi sya marumihan at mabahuan sa akin pero sinamaan nya ako ng tingin.

"Its okay! Madami akong dalang damit sa maleta ko, kahit ilang beses mo pa akong basain na may damit." dahil sa sinabi nya, pinabayaan ko nalang, para naman akong pasyente na nalaglag sa bangin at kailangan ng madaming tao para ingatan ang isang parte sa katawan ko at baka kasi matuluyan na ang fracture nito.

Si Natalia at si Jade nasa likodan naman namin at sinusundan lang kami.

Napaka ko naman kasi, bakit ba kasi ako ganito kumilos ngayon ? Lucky month ko ba ? Wala naman akong balat sa pwet. Bakit kaya ?

Nang makataas na kami sa room, hinayaan nila akong dumiretso na sa C.R. at maligo dahil daw amoy dagat na daw ako, ang langsa ko na daw.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako na hinanda nila sa kama, sabi kasi ni Mommy sya na daw bahala sa susuotin ko basta take my time lang sa C.R.

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko dahil tapos na ako sa pagbibihis nang makita ko si Luke na kausap ni Mommy sa living room. Hindi nila ako makikita dahil nakatalikod sila kaya minabuti ko munang tumahimik at pakinggan sa pinag-uusapan nila.

"Tita Jaime ? Okay lang po bang andito ako ?" tanong nya, na parang nahihiya hiya pa.

"Oo naman. Bakit nagkaroon ba kayo ng alitan ng anak ko ?" sabi ni Mom, at yumuko lang si Luke. Ano na ? Halata na nagkaaway kami ? Tanga naman ni Luke. Ugh!!!

"Mom ?" pabugso bugso kong tawag na may pag-aalinlangan pa.

"Oh anak!" bati ni Mommy, tumayo si Luke na para bang manliligaw na susunduin ang nobya nya.

"U-uh, a-andito ako kasi.. nabalitaan ko na may sinag--"

I cut him off. "Thank you!" salita ko para maiwasan nya na sabihin ang katotohanan kay Mommy, kapag nalaman ni Mommy iyon, lagot ako, uulanin nanaman ako ng pagalit.

"Kain muna tayo ?" singit ni Jade na galing sa kitchen. "Oh my gorgeous face." shock face nyang sabi, at nilapag nya ang pagkain sa center table ng sofa at niyakap si Luke. "Ang cute cute moooo!" sigaw pa nito.

Napairap naman ako at pumunta sa pagkain at kinain iyon. Bakit ganito nararamdaman ko ? Naiinis ako kay Jade.

At sa wakas, nagkahiwalay nadin sila mula sa pagkakayakap "Muntik na akong 'di makahinga doon!" komento ni Luke.

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon