Nakaupo na kami sa tapat ng lamesa, di naman kasi ako makatanggi kay Jiana kaya  dito na ako nagdinner, nagpaalam nadin ako sa magaling kong kapatid na magtetext lang kapag may kailangan. At magrereply lang kapag good mood makipag-usap sakin.

Sobrang daming pagkain, kaya siguro ang lulusog nila Jiana. Dejoke!

"Niall, ano gusto mong kainin ?" tanong sakin ni Jiana at may nakaabang nang rice sa plato ko. Katabi ko kasi sya.

"Ay ako, gusto kong embutido saka fried rice." singit ni Luke, na nakatingin sa Mommy ni Jiana. Pero sure ako, kay Jiana nagpaparinig yan.

"Buttered Chicken nalang sakin." nilakasan ko ang boses ko para mainsulto si Luke, mabulunan sya sa inggit. Nilagyan naman ako ni Jiana ng chicken sa plate ko at ngumiti.

Nakita ko naman na tumatawa lang yung Mommy ni Jiana "Ayy. Tita Jaime, kailan ba outing natin ? Balita ko po kasi sa September kayo babalik sa America eh." mahabang testamento ni Luke na ngumunguya, wala man lang manners.

"Matagal pa sembreak! Kaya dun palang tayo mag-aouting saka isasama natin si Niall." sabi ni Jiana na napangiti ako. Kahit kailan kasi di nya ako inaout of place.

"Yeah. Pwede din naman. But for sure, andito na mga kapatid mo." Tita Jaime, may kapatid papala si Jiana. Ilan kaya sila. Asan kaya Daddy nya ? Dami ko naman iniintindi. "Ihjo ? Niall." napabalik ako sa mga senses ko at tumungo ako. "Okay. What's your family background ?" napalunok ako sa tanong ni Tita para naman akong akusado nito. Nagkatinginan naman kami ni Jiana.

"Mommy!" pagbabala ni Jiana pero di sya pinansin nito.

I cleared my throat at pinansantabi muna yung pagkain ko, naramdaman ko naman na pumatong yung paa ni Jiana sa paa ko. At naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan "Hm. Yung Dad ko po bisinessman, kami po yung mga dealer ng iba't ibang products. May lahi din po kami, taga-Portland po kasi si Daddy. Then si Mommy po pure pinay. Saka, nasa London po sya ngayon, sya po nagmamanage ng Restaurant namin dun. But sad to say, separated na po yung magulang ko. Pero, andyan naman po yung kapatid ko eh. Sya po yung nagbibigay lakas ng loob ko." sa sobrang haba ng sinabi ko, feel ko sasabog ako. Anlamig ng kamay ko, para bang gusto magpainit sa sauna magdamag.

Pagkatapos ko magsalita, natanggal nadin ang paa ni Jiana sa paa ko. Napakalambot ng paa nya, para bang maglakad man lang di nya nagagawa dahil sa lambot.

WAIT! KANINA PA AKO GANITO AH. MAY GUSTO BA TALAGA AKO SAKANYA. ???

"Tita Jaime. Ako ba di mo tatanungin family background ko ?" pagpapatawa ni Luke.

"Ayy nako Luke! Alam ko na yun." Tita Jaime.

"Saka isa pa Luke, tumahimik at kumain ka nalang dyan." Jiana.

"Hmmm. Paano naman kasi noh! Dami ko nang naiisip na sasabihin sa family background ko." narinig ko namang tumawa si Jiana kaya naguily nanaman ako. Bakit ganito nararamdaman ko. Ayoko! Ayoko na ulit maramdaman yung naramdaman ko dati.

**

Sabado.

"Boom Panessss!" sigaw sakin ng mga kakumpare ko dahil naka3-points ako. Andito ako sa isang center, naglalaro.

"Time out muna!" sabi ko kaya nagstop na silang maglaro laro. Nang makaupo ako sa bleachers, uminom ako ng tubig at nagpunas ng pawis.

"Pare. Tara sa bar mamaya. May papakilala akong chixx sa'yo." nagdalawang isip ako sa tanong ni Bark. Galing ng pangalan no. Pero matalino yan at MVP namin yan last year kaso, babaero.

"Eh pare-" Di nya na ako pinatapos magsalita.

Inihagis nya sakin yung cellphone nya, sa sobrang yaman, binabalibag nalang yung Iphone "Oh yan. Pinagpaalam na kita kay Natalia." tinignan ko ang messages nila ni Natalia. Takte! Sila pala. Dali dali akong lumapit sakanya at hinila ang harap ng jersey nya. Nakita ko naman na nagsilapitan mga kabarkada namin. At inaawat kami.

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon