18

54 3 1
                                    

Jiana's Point Of View

Nasa hallway ako ng school, mag-isang naglalakad. Pupunta kasi akong locker ko. Kukunin ko yung book ko.

Namimiss ko na si Niall, pero mamayang gabi uwian nadin nila. Sabi nya nanalo daw sila sa competition. Kaya masaya naman ako kaso nga lang malungkot din kasi di ko pa sya nakikita simula nang nagpropose sya kahit isang araw lang yun. Nakoo!

Nang nasa harapan  na ako ng locker ko. May nakita akong heart na nakadikit sa locker ko. "Namali siguro ng lagay." tinanggal ko yung heart at dinikit yun sa kabilang locker.

Nagkibit balikat nalang ako.

Nang buksan ko ang locker ko, may nakita akong FLOWER ?

"Hahahahahaha." napatawa ako, kasi katanga ng nagbigay. Mali pa ng locker ang lagay. Lakas ng tama.

Nang tignan ko ang flower. Red roses at fresh pa infairness, inamoy at urp ang bango ha.

Nang silipin ko ang card.

For you Jiana -H

O.O

Akin pala.

Oh totoo ?

Di NGA ?

Ahhhh. Alam ko na! Baka galing kay Niall pero bakit H ? Saka paano nya maibibigay eh nasa malayong lugar nga si Niall.

Wait ? Edi akin din yung heart na ito.

Kinuha ko yung heart at nakalagay dun.

I won't give up

Kanta yun ah. Ano drama ng nagbigay na ito. Pero kung hindi si Niall ang nagbigay. Itatapon ko nalang. Wala din namang saysay ang mga kagamitan na ito kung hindi galing sakanya eh.

Kinuha ko na yung libro ko at dumaan sa may basurahan at tinapon ang mga flowers.

"Sorry loyal ako." pagkausap ko sa flower.

Di ako tumatanggap ng flowers maliban kay Niall. Sya lang may karapatan nun.

Sana di pa ako late sa 1st class saka sabagay maaga pa naman. Naglakad na ako patungo sa room namin nang may makarinig akong hiyawan.

"Ano kaya yun ?" tanong ko sa sarili.

Nakitsismis nadin ako at tumakbo patungo sa loob ng room namin at nakita ko si Luke na may fiercing sa bibig.

Eh bakit nagtitilian yung mga babae naming kaklase. Naging pogi naba sya ?

Pss.

Kakainis! Ang ayoko talaga sa lahat OA na babae.

Lumapit ako sakanya at hinila sya "Uy."

Narinig ko naman na nagboo yung mga babae. Pss. Lalandi nila! Di ko nalang pinansin.

Naramdaman ko naman na pilit nyang tinatanggal yung kamay ko sa braso nya at nang makalabas kami.

"Anong nangyayari sayo ?" kalmadong tanong ko.

"Pake mo."

O.O

Bakit ganun tumaas ang pride ko sa sinabi nya at para bang gusto kong humiyaw, mga nakaraang araw kasi na ito napakacold nya sa akin, di nya ako pinapansin at kinakausap. Nung first day, Okay pa pero ngayon di ko na palalagpasin.

Tinry kong kumalma pero.. "Pake ko ? Pss. Oo may pake ako!!! Hm. Oo nga pala nakalimutan ko bestfriend mo nga lang PALA ako! Saka wait lang ha *hinga* bakit moko kailangan pagsalitain ng ganyan ? Ano bang ginawa ko. Kahapon pa yan ha. Kinakausap kita tapos di mo ako papansinin, kunyari busy ka. Alam mo ba kung gaano nakakaoffend yung ginawa mo ? Saka dapat nga nung araw nayun, kasama kitang masaya kasi yung sinasabi ko sayo na mahal ko, kami na. Excited pa sana akong sabihin sayo tapos malalaman ko na may sugat ka sa kamay, tinatanong ko kung napano yun, iling ka lang ng iling, akala mo ba ako si Madam Auring na kayang hulaan yang tumatakbo sa isipan mo at nais sabihin ? Don't you know that I care for you, not once not twice but hundred times. Saka bakit ka naggaganyan ganyan, tingin mo ikakapogi mo yan ? Ha--ha. Tingin ko ikakatarantado mo yan." nagdabog ako at sinarado ang pinto ng classroom namin. Alam ko agaw eksena ako, pero sobra na kasi, sobra na.

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon