Whew.. Uwian nadin. Grabe ang lakas ng ulan wala pa naman akong payong. Tapos nilayasan agad ako ng magaling kong bestfriend, baka bukas nalang ako magmall at bumili ng materials para sa mga projects na gagawin "Jiana ? Kanina ka pa dito sa waiting shed ha. Ano hinihintay mo dito pasko ? O baka naman hinihintay mong magkasnow sa pinas ?" sarkastikong tanong ni Natalia na naligaw ng landas. Paano ba naman sa ibang way kaya papauwi sa lungga nyan.

I sighed "Mag-isip isip ka naman, wala akong payong oh!" inirapan ko sya sabay nagcrossed arms "Bakit nga pala dito ka dadaan ?" tanong ko at nakita ko syang nagsmirk.

"Magmomall kasi ako, eh dito dadaan si Kuya. Kaya ayun, dito ako maghihintay. Tagal nga eh." sabi nito at tumanaw kung saan saan, sign na parang hinahanap nya yung kuya nya.

"Ano ba pangalan ng kuya mo ?" curious na tanong ko at yung mukha nya parang di sya makapaniwala na di ko kilala kuya nya.

"Grabe ha, ang famous famous ko di mo kilala mga pinagmulan ko. Pero by the way. Niall pangalan ng kuya k--" wala na akong marinig sa mga susunod na sinabi nya dahil.

Niall

Niall

Niall

Oh my. Yun yung gwapo na nakita ko kanina sa may labas ng canteen. Tapos.. tapos.. kapatid sya ng kaklase ko. Edi..

WAIT JIANA. OVER NA. OVER!

"...hoy! nakikinig ka ba sa sinasabi ko!!!!" I snapped back.

"Ano ?" tanong ko na walang kamalay malay sa mundo kung anong nangyayari.

"Alam mo kung nakita mo lang yung itsura mo kanina, eew! nakakagat labi ka tapos nakapahalumbaba ka tapos nagblublush na parang nilagyan ng isang pack ng blush on yang mukha mo. Mukha kang baboy na gusto magpakatay! Sige na nga maiwan na kita dyan!! Itetext ko nalang si kuya. yung mga friends ko kasi nag-iintay na eh. Sige bye!!!"

Alam nyo yung feeling na sa sobrang dami nyang sinabi wala kang naintindihan ? Lutang ako eh. Lutang.

Kinawayan ko nalang sya at pinalayas na.

Nanatili nalang akong nakaupo at nagpapalipas ng ulan. Mayaman naman si Natalia at may kotse pa. Tapos di man lang ako inalok kung pwede akong sumabay. Mga tao talaga! Selfish.

Tumingin ako sa relo ko

5:26 pm

Maggagabi nadin pala. Pero bakit ayaw tumila ng ulan ? Kinuha ko yung cellphone ko, tatawagan ko nalang si Luke baka kasi sunduin pa ako ng payong nun.

Nang pagbukas ng cellphone "Anak ng--" muntik ko na mailabas ang sama ng loob ko ng makita ko ang kamatayan sa cellphone ko. "Expired ? Kaloload ko lang kahapon ah." kung di lang mahalaga ang phone na ito naibalibag ko na ito sa kanal. Malas!

Paano kaya ako makakauwi ? Wala nading estudyante na dumadaan sa waiting shed na ito. Nakakabadtrip!

"Alone ?"

Dug. Dug. Dug. Dug.

"Hello. Miss ? Mag-isa--" hinawakan nya ang noo ko "Di ka naman nilalagnat ?" umupo sya sa tabi ko at nagmuni muni. "Ako pala si Niall Horan, nakita mo ba si Natalia ?" tanong nito pero nakatingin lang ako sa napakabubbly nyang mukha, bakit ganon ? Kahit di sya nakangiti parang napakajolly at saya nya. "Miss--"

Wait bakit ba kasi sya andito ? Saka, bakit nya sakin hinahanap si Natalia ? Enebeyen ? After all pala, di padin ako malas.

Umiwas ako ng tingin at kinalikot ang zipper ng bag ko "A-ah. K-kasi. Ano. U-malis na sya. Oo umalis na sya sabi nya kasi.." Oh my gosh, ngumiti sya. Para akong ice cream malulusaw na ako anytime anywhereeeee!

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon