13

57 2 0
                                    

Nasa canteen kami ni Luke. LUMALAMON! Malamang. Ano pa ba ginagawa sa canteen.

Tinreat nya kasi ako ng Chicken with Rice at ang favorite hotdog ko. Edi ako naman si uto, tuwang tuwa. Kaya go lang ng go.

Hinanda ko ang sarili ko, ang kutsara at tinidor "Kainan naaaaaaa-" sigaw ko pero naputol kasi..

"Pray muna." komento nya. Susubo na ako eh. Lagi nalang ganyan yan kung kailan susubo na ako.

Pero narealize ko din na.. kahit pala ganun attitude minsan ni Luke marunong din magdasal.

Nag-aaproach na sya na magpray kaya pumikit na ako "Lord, Thank you po sa pagkaing ito. Ibless nyo po ito. In Jesus name we pray. Amen." pagkatapos magpray sinunggaban ko na ang pagkain ko.

"Hoy! Dahan dahan naman!" sabi nya pero..

"Wrala arko parkealarm." sabi ko habang ngumunguya. Siguro nya naintindihan dahil sa mukha nyang parang nilamutak.Kaya tumawa ako!

"Ano naman tinatawa tawa mo dyan." tanong nito at sumubo.

Nilunok ko muna yung nginunguya ko bago magsalita "Eh kasi naman noh! Yang mukha mo. Parang nagdouble dead na baboy! WAHAHA--HAHA--HAHAHA." dahil sa pagtatawa ko, napahawak na ako sa tiyan ko dahil ang sakit na.

Whew! Grabe. Ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito "Hi" napahinto ako sa pagtatawa ng..

MAY KIRENG BABAE LANG NAMAN ANG UMUPO SA TABI NG BESTFRIEND KO.

Di naman sa nagseselos ako, at di ko gusto si Luke noh. Sadyang concern lang ako sakanya. Saka sa kapatid na turungin. Maiinlove ako ? NEVER. LIKE EVER.

'We are never ever ever get inlove to each other.'

HAHA. Wag nang kakanta. Naeexpose yung ganda ng boses ko.

"Hahaha." nabalik ang focus ko sa kanilang dalawa. Aba, nagtatawanan pa.

"Osige byeeee. Mamaya ha, punta ka!" pagpapaalam ni Aleisha kay Luke at kumindat pa itong lalaki.

Nang makatalikod na si Aleisha binatukan ko si Luke na magpalipot na ang leeg sa kakatingin sa babaeng naglalakad lang naman palayo "Bakit mo ako binatukan." pagrereklamo nya at sumubo lang ako bago magsalita.

"Prara magising ka!!!!!" sana naman kasi no mabuhayan na ng pananaw itong bestfriend ko. Akala ko ba sya nakakita kay Steven at Aleisha na naglalampungan. Tapos ngayon pakindat kindat pa. Kailan kaya matatauhan to ?

"Best! Friends lang kami, at sabi nya. Sila na ni Steven sa text! Kaya.." pasuspense pa eh, tinigil nya yung pagsasalita nya at sumubo.

"Anong kaya ?" pag-uulit ko, pero ngumingiti lang si Gago! Binato ko sya ng bimpo. Kaya napatawa sya.

"Kaya ito, Okay na ako!" yun lang pala pinasuspense pa nya. Nangtritrip lang sya eh.

"Eh bakit parang magkikita kayong dalawa ?" curious na tanong ko sabay iwas sa titig nya.

"Hindi, Kasi nga birthday ni Steven. Pupunta kami! Ikaw gusto mo ba sumama ?" Ako ? Isasama sa barkada nila. Nako, baka maOP lang ako sakanila. Saka bakit ko sasayangin yung oras ko don. Saka di naman kami masyadong close.

Masabihan pa akong FC (Fried Chicken) Chos.. Feeling Close! ^^

"Ayoko!" tanging sagot ko.

"Tss. Magkikita lang kayo ng Niall mo kaya ayaw mong sumama. Mas pinipili mo talaga sya kesa sa bestfriend mo." Nagtatampo ba sya o nag-iinarte.

"Tange! Walang mas lamang sa inyo. Saka.. mahal ko na ata sya." WAIT ? Bakit may ATA. Di pa ba ako sure.

"K." Ito namang si Luke kasuplado pagdating kay Niall. Bakit kaya ?

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon