34

23 1 1
                                    

Nagsibalikan na kami sa mga rooms namin pagkatapos ng dinner na 'yon, at si Luke daw makikitulog samin ngayon kahit daw sofa lang. Hmp, ayoko nga.

"Bye!" pagpaalam ko kay Niall at hinalikan nya ako sa noo, at syempre kitang kita ni Luke yon kasi nasa salas lang sya.

Nang makaalis na si Niall, si Luke nakatitig sakin, "What ?" tanong ko.

"Anong what ?" I rolled my eyes, parang hindi nya naman alam kung ano ang ibig kong sabihin.

"Bahala ka nga dyan!" isasara ko na sana 'yung pinto nang nakita kong may binato syang paper plane at saktong lumapag ito sa harap ng pinto ko, kinuha ko 'yon at tuluyan nang sinara ang pinto.

Nang buksan ko, isang malaking apat na letrang salita ang nakalagay don.

'TABA'  Kapal nya ha, ang macho nya. Akala mo naman kung sino.

Nang itatapon ko na sa trash can, nagulat ako sa ginawa ko dahil nilagay ko pa iyon sa may lamesa malapit sa lampshade ko.

"Ano bang nasa utak mo Jiana!" pag-alog ko dito. "Ugh." I groaned.

Pahiga na sana ako sa kama ko nang biglang may kumatok, "Ugh. Luke, wag mo akong bwisitin!" salita ko at nang buksan ko ang pinto si Leih ? Umiiyak.

Namula naman ako kasi ineexpect ko si Luke eh. "What happened ?" pumasok nalang sya agad sa room ko at umupo sa kama.

Ngumiti sya na mukhang nanloloko, "Happy o sad ?" tanong ko ulit pero habang tumatagal nararamdaman kong mabigat ang dinadala nya. "I guess sad 'yan!" hula ko.

At unti-unti syang tumango, "Tell me." sabi ko sakanya.

"Si.. si Maynard!" pautal na salita nito, hinintay ko nalang syang ituloy ang kwento nya. "Sabi nya mahal nya daw ako!" she stated.

"Oh ano problema don ?" kahirap naman kausap ng babae na ito, masyadong iyakin.

"Nakikipagbalikan daw sakanya si Aleisha." napalaki ang mata ko at nagsimulang uminit ang ulo, boys collector talaga 'yung babae na 'yon.

"Eh ano plano nya ?"

"Sabi nya, makikipagbalikan daw sya pero hindi nya alam kung paano." pahikbi hikbing sabi nito.

"Huh ? Makikipagbalikan ? E mahal ka nya, at sigurado akong mahal mo din sya. Halatang-halata 'yon!" hula ko at tumango sya.

"Nong una kasi, napagdesisyonan namin na magpanggap na magkarelasyon kami. Then sa pagpapanggap na 'yon, aksidenteng nagkagusto kami sa isa't-isa." napakunot ang noo ko, kung talagang mahal ni Maynard si Leih, dapat ipaglaban nya ang nararamdaman nya para sa tao, "Sabi nya, kahit mahal nya ako gagawin nya pading balikan si Aleisha dahil 'yun naman 'yung goal namin eh kaya ginawa namin ang pagpapanggap eh." mas lalo syang umiyak, naaawa ako sakanya di lang sa pareho kaming babae syempre kung ilalagay ko ang sitwasyon ko sakanya, eh talagang mahirap 'yon.

"Pero wala na bang feeling for Steven dyan sa puso mo ?" pagsingit ko, napatingin sya sakin at mas lalong umiyak.

"Yun na nga eh, kinalimutan ko na si Steven para sakanya pero bakit ganon ? Hindi ko talaga maintindihan." sa sobrang stress nya napahiga sya sa kama ko.

"Leih," tawag ko "Kung may plano ka na pakiusapan sya, please wag. Hayaan mo na sya na lumapit sayo. At tiyak ako na ikaw ang hahanapin nya, sabi nya ikaw mahal nya eh." pagadvice ko sakanya.

"Siguro mahal nya talaga si Aleisha." patawang sabi nito at nakita kong tumutulo ang luha nya.

"Talo talaga ng malandi ang maganda kaya talo ka!" I joked and we both laughed.

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon