Nakaupo ako sa tabi ng puno na ito. Malinis naman sya at tambayan din ng ibang tao pati engkanto . Joke!

Recess kasi, tapos may quiz pa kami mamaya sa Science kaya nagrereview ako. Di rin naman ako masasamahan ni Luke dahil hate na hate nya ang pag-aaral.

Nagbabasa basa lang ako, at isa pang information sakin tahimik lang akong magreview at ayoko din ng maingay kaya dapat ako lang mag-isang nagbabasa o nag-aaral kaya okay na yung wala si Luke. Pahamak lang yun eh. 

"Ugh. Ang hirap naman kabisaduhin ng mga ito." pagkunsumi ko sa sarili ko, wala talagang pumapasok sa utak ko. Di na nga ako kumain para lang makapagreview tapos ganito pa.

Nagbasa nalang ako ulit.

"Yung science, body of knowledge, si Jiana, body of utot." nadistract naman ako sa nagsalita kaya di ko nagtuloy tuloy pagbasa ko. Hinanap ko naman yung nagsasalita sa paligid ko, wala naman.

f (-_______- ) Napakamot nalang ako sa ulo. Ang weird eh.

Kaya nagpatuloy ako sa pagrereview "Wala kayong chemistry nung anghit  na yun, kaya stay away from him" may narinig nanaman akong boses, sino bayun?  Tumayo ako at naglakad papalayo, astig kasi eh, PUNO?  Kinakausap ako. Tss. Siraulo pala yan eh.

Nang bubuklatin ko ulit yung libro ko may humugot dito. "Whoaaaa. Wag kanang magreview." nakita ko nanaman ang mokong na ito nakakasawa na eh. Sumulpot ba naman sa harap ko. Ibig sabihin sya pa yung kaninang nagsasalita saka nagtatago lang sya sa taas ng puno.

"Akin na yan, magrereview ako!" sabi ko.

Tumawa lang sya ng malakas "Alam mo ang pag-aaral di naman kailangan masyadong seryoso eh, kailangan chill lang. Tignan mo sarili mo, mukha nang manang dahil kakareview."

Kitams. Bad influence na bestfriend. La kwents!

= ̄ω ̄=

Napafacepalm nalang ako, hinayaan ko lang yung mga sinasabi nya. "Akin na nga  yan!" pag-abot ko sa libro ko pero nilalayo nya lang iyon. "Kung ayaw mong mag-aral, wag mo ako idamay!" sigaw ko pero hinawakan nya ako sa mukha at lumapit sa tenga ko.

"Habulin mo ako!" nagbanta syang tumakbo pero di ko sya hinabol. Duh! Di na kami bata para maghabulan.

"Di na nakakatuwa Luke Hemmings " seryoso na sabi ko.

Lumapit sya sakin at ginulo ang buhok ko "Jiana Jiana Jiana. Ang laki ng butas ng ilong mo oh. Kilala kita di ka pa galit." nang aasar ba sya o nilalait ako.

I rolled my eyes "Ha ha ha. Ha ha." sarkastiko kong tawa sabay lagay ng dalawang kamay ko sa bewang ko. "Di mo bayan ibabalik sakin? "

"Hindi!" binalibag ko sakanya yung ballpen ko.

Naglakad ako palayo at naramdaman kong umakbay sya at dali dali ko naman iyon tinanggal "Anest problemest ng my dearest bestest wonderfulest supest bestfriendest? " Ano nakain ng shokoy na ito, nagiging sirena na ata eh.

Bakit ang saya saya nya at ang hyper hyper. Kakaiba yung energy nya ngayon. Tapos bakit andito sya, eh magkagalit nga kami kaninang umaga eh. Tapos nakapantalon pa, nagdate siguro sila. May nililigawan kasi sya si Aleisha McDonalds na kapatid ni Yeisha, kaadik nga ne'to eh, papatol patol sa college tapos ang agwat ng edad nila 3 years Freddie Aguilar lang ang peg, pero yung kay Freddie naman.parang apo na nya yung kinana nya. Nevermind .

Binalik nya sakin yung book and pen ko "Sinagot ka na noh? " tanong ko pero umiling lang sya na dahilan kaya  napakunot noo ko "Eh bakit ang saya saya mo?"

"Ayaw mo ba akong maging masaya? " Oo ayoko! unfair naman kasi noh. Ako lagi mong bwinibwiset tapos gagaein mo pa akong clown.

"Bakit nga!!!!" sigaw ko.

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon