"Luke." nagulat ako nang...

May humigit sa mukha ko at hinalikan ako. At nakita ko ang mukha ni Aleisha. Napapikit nalang ako dahil napakalambot ng bibig nya.

Humiwalay sya sa bibig ko at parang bitin pa ako  "Hi babe. Kamusta ?" tanong nya sakin at nang tumingin ako sa likod ni Aleisha, naglalakad na papalayo si Jiana. Ano kadramahan nun, umaalis nalang bigla "Babe! Hello. May kausap pa ba ako.? "

I snapped back "Okay lang ako!" sagot ko. "Ba't andito ka.?  Wala kabang klase? "

"Sorry ha, to the rescue ako, may nagsabi kasi sakin nainjured ka kaya eto ako nagmamadaling pumunta sa training nyo." napangiti nalang ako,nnapakacaring nya talaga . "Bakit ka nga pala andito? Saka sino yung babae kanina? "

"Ahh. Si Jiana yun, bestfriend ko lang." napangiti lang sya at yumakap sakin.

"Tayo na ba?" tanong ko at tumango lang sya sabay halik sakin.

Napakaswerte ko naman talaga oh!

Jiana's Point Of View

Nang makita kong naghahalikan sila, tumalikod nalang ako at naglakad papalayo. PDA masyado ang putek. Pwede naman sana sa hotel. Bakit sa harap ko pa. Grabe talaga ang view ko.

Nagulat nalang ako nang biglang may tumulo... mula sa MATA KO?  Impossible. Bakit naman ako iiyak. Tapos yung direksyon ng paa ko sa Wash room. Nakakapagtaka di ba?  Siguro kasi dahil iba na priority nya, hindi na akong bestfriend nya kundi yung baguhan nyang girlfriend.

Wag lang syang magkakamaling saktan ang bestfriend ko.Kundi uupakan ko sya. Pinunasan ko ang isang patak ng luha ko.

Nang makasalubong ko si Niall. "Uyy!" buti nalang di masyadong halata yung luha ko.

"Hmn. Dismissal na ah? Tara sa mall.? " aya nya at hinawakan nya lang yung kamay ko.

"Niall. Yung bag ko kasi nasa room."

"Kukunin natin yan!" sabi nya. Dumiretso naman kami sa room, halos lahat ng babae na nakatambay sa corridor at nakakasalubong namin pinagbubulungan kami. Nakakahiya! Nang makarating kami sa room, dali dali kong kinuha yung bag ko. Buti nalang di kinuha ni Ma'm Kaye. "Tara!" inoffer ni Niall yung kamay nya at syempre hinawakan ko. At hinigpitan nya yung grip nya. Pagkalabas namin.

'Landi no' yung totoo?  Nagbubulungan ba sila o mga bingi sila kaya sinisigaw nila yung binubulong nila. ANG GULO!

'New girl.?  Ambilis naman ata.' Ugh. Gusto ko na makalayas sa school na ito.

"Don't mind them." bulong ni Niall sakin at hinila ako patakbo.

**

Nasa Chowking kami ngayon ni Niall, kumakain . Ang swerte lang kasi dumating ang pinakamagaling kong bestfriend kasama yung girlfriend nya.

"Uyy. Babe, dun tayo sa tabi ng bestfriend mo." rinig kong request ni Aleisha. At nagtitigan kami ni Luke at nakita kong umiling sya kaya sa ibang upuan sila umupo.

"Sino yung tinitignan mo? " tanong ni Niall pero umiling nalang ako at uminom ng ice tea.

"Ang tagal naman ng pagkain natin! Mauubos ko na yung drinks oh." reklamo ko at tumawa lang sya.

"Don't worry! Pwede namang tubig eh!" ang kuripot naman nitong lalaki na ito, kayaman yaman-tubig lang iooffer sakin.

"Hahaha!" tumawa nalang ako para kunyari benta yung joke nya "Nga pala. Anong section ka sa 4th year? " May balak kasi akong makiseat in tapos katabi kita,  aalagaan kita, pagsisilbihan kita. Yung mga ganun!

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon