24

33 1 1
                                    

Tatlong buwan nadin ang nakakalipas, tatlong buwang masaya at payapa, tatlong buwan nadin, kami padin ni Niall going strong. Napakilala nya nadin ako sa Mommy nya through skype at sa puntod ng Daddy nya sa viewdeck.

Madaming nagbago, si Yeisha may boyfriend na na taga ibang school at nagpatawaran na kami, si Natalia at Bark hiwalay na. Ewan ko ba dun sa dalawa nayun, ang cute pa naman nilang couple pero kahit anong kacutean nila kung di talaga sila sa isa't isa, wala parin. Si Steven at Aleisha, ayun mahal padin ang isa't isa. Si Leih at Maynard, nagkakainlovean siguro o denial parin.

Tatlong buwan din akong nagdadiet at sabay kami ni Niall, twing weekends naggigym kami kaya yun nadin ang bonding namin. Enjoy na, nagdedate pa kami. XD

Tatlong buwan nadin na walang kibuan, at walang pansinan kami ni Luke. May rumors din na may girlfriend na sya pero ewan ko, hinayaan ko nalang. Pero ang pinakalatest na news nya ay sumisikat na sya at pinagkakaguluhan ng mga tao. Singer na sya eh, masaya na siguro sya sa buhay nya kaya masaya din ako syempre, kahit naman di na kami bestfriend, bestfriend padin ang turing ko sa kanya.

"Manong fishball po." tumuhog na ako ng 10 fishball at nilagyan ng sauce saka ko binayaran.

Umupo ako sa bench ng amusement park na ito. Iniintay ko kasi si Niall dito dahil may gagawin daw kami. Ewan ko kung ano trip nyang gawin, basta ako hige lang ng hige.

Makaraan ang ilang minuto, natatanaw ko na si Niall na may hawak na skateboard ? Nge. Ayun ba yung sinasabi nyang gagawin namin ? Wag naman sana.

"Uy." bati ko sakanya at tumango lang sya.

"Tara dun." turo nya sa gitna ng park. "Tuturuan kitang magskate, pampapayat rin ito." kinindatan nya ako sabay hila ng kamay ko.

"Huy. Di ako marunong nyan eh."

"Kaya nga tuturuan ka di ba ?" pamimilosopo ni Niall sakin, grabe ang sungit ha. "Okay. Parang kalang naglalaro dyan, magbabalance ka at ieenjoy mo lang at unti unti mong isasampa ang pareho mong paa." Sa dami nyang sinabi wala akong naintindihan.

"Huh ?"

"Basta, ipatong mo nalang yung isang paa mo sa board." utos nya kaso di ko sinusunod.

"Kaliwang paa o kanan ?" tanong ko.

"Kung saan ka mas komportable." nakakahiya ito promise, kapag di ako natuto agad, papasakitin ko lang ulo ni Niall.

Ipinatong ko naman ang kanang paa ko, ano ba yan nanginginig ako parang tutumba agad ako ah. "Isipin mo close kayo ng board na di ka nya hahayaang mahulog." ngumiti ako sa kanya, para bang sa akin double meaning sinabi nya, basta ba sa kanya ako mahuhulog. Hahaha!

Pinaandar ko na ang kaliwang paa ko at dahan dahan naman akong umuusad "Very good baby, bilisan mo pa." ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at nang ipatong ko na ang isa ko ding paa sa board, wow! Achievemwnt yun brad, nagawa ko.

"Woo!" taas kamay kong sigaw sa tuwa.

"Nako. Nakailang seconds palang yung dalawa mong paa sa board natutuwa ka na, paano pa kaya kung nageexhibition ka pa dyan." umapir naman ako sakanya.

Umakbay ako sakanya "Nako. Ako pa! Saka pinilit kong matuto agad nang di naman nakakahiya sayo, mamaya mawala pa kagwapuhan mo dahil sa kunsumisyon dahil sakin. Nagugutom na ako!" sabay hawak sa tiyan.

"Wala namang araw na di ka nagugutom eh." he pinch my cheeks at held my hand. So nagbablush po ako, ako naman itong babae dala dala ang board. Haha but masaya naman feel ko magaling ako magganito.

Nang matapos namin lakarin ang buong park nakahanap din kami ng stall para kainan at yun ang Pan Tea -.- Ang panget naman ng pangalan ng Tea house na to, pervert siguro yung may ari.

"Pasok na tayo!" hinila ako ni Niall na parang excited na excited pa, kung batukan ko kaya ito.

Pumasok na kami at dumiretso kami sa counter "Miss strawberries and cream nga saka caramel." Hala, wala ako sa gusto nya dapat Mocha. GRABE, di ako pinamili.

"HUYY! Ayoko ng caramel." hinampas ko sya na parang naninisi.

"Sinong may sabi sayo na sayo yung caramel ?" napakunot naman ang noo ko, anong gusto nyang sabihin.

"Eh ayoko ng strawberries"

"SINONG NAGSABING SAYO YUNG STRAWBERRIES." O.o

Uto uto to ah. "Huh ? Anong ibig mong sabihin ?" Niloloko nya ako.

"May kadate kasi ako ngayon eh. HAHA! Joke. Ito naman di mabiro." Tinitigan ko sya ng masama at binitawan ang kamay nya, kunyari nagtatampo ako.

"Ewan ko sayo." pumunta na kami sa counter at dun kinuha yung inorder nya. At nang makahanap na kami ng upuan, hinawakan nya ang kamay ko.

"By the way, may highschool league nga pala sa school natin ah. Nood ka sa monday na yun. Saka dapat andun ka rin para may pampalakas ako." umirap lang ako sa kanya.

"Whoo. Nagpapapogi ka lang sa mga chixx sa school eh. Alam na!" ngumiti ako ng papilit at parang pangsarcastic.

"Jiana, di mo ba naiintindihan na ikaw lang ang chixx ng buhay ko." sabi nya, kaya naman ako nagpipigil ng tawa at ininum nalang ang caramel na binigay nya.

"Edi patunayan mo." hamon ko sakanya, nang nagulat ako nang hilahin nya ako papalapit sakanya "Huy. Ano gagawin mo!!"

"Sabi mo, patunayan ko." nabigla naman ako nang halikan nya ako sa pisngi.

O///O

"Asdfghjklqwertyuiopzxcvbnm." nagsalita ako nyan, kaso di lo rin naintindihan.

"Sorry masyadong PDA ah. Sabi mo kasi patunayan ko." nakasmirk lang sya habang umiinum ng strawberry and cream nya. Landi nya ha. Dinaig pa ako! Kainis.

**

Nasa bahay na ako nila Niall, tuturuan nya daw kasi akong maggitara, edi pumayag naman ako. Di pa kasi ako masyadong marunong eh.

"Gusto ko bago moko turuan, kantahan mo muna ako." Kumindat ako saka pinataas baba ang kilay ko.

"Gusto ko kakantahan lang kita, sa pinakaspecial na pangyayari sa buhay natin." Arte nito, parang kakantahan lang.

"Okay, turuan mo na ako." sabi ko kaso tumayo sya at nakita kong kumuha sya ng ballpen at papel. "Oy. Ang hirap mo kausap no. Ayoko mag-aral, gusto ko matutong maggitara." I made a face. Kakaloko naman tong tao nare.

"Tumahimik ka nga dyan, gagawa tayo ng kanta."

"Marunong ka ba ?" pang aasar ko.

Di na sya nagsalita bagkus nagsulat nalang.

"Pag yang kanta nayan di maganda, ikikiss kita." sabi ko sakanya at tumawa lang sya.

Nilapitan ko sya at binasa ang sinusulat nya.

Your hand fits in mine like its made just for me.

Dun palang sa unang sentence kinikilig na ako, bakit ganun! Haha.

Tinignan ko lang ang buong mukha nya. Pinapangako ko na kahit kailan di ako magsasawang mahalin ang lalaking ito.

--

GUUUUUYS. Namiss ko kayo grabe! :* Sorry sa napakahabang panahon na di ako nagupdate, super hectic ng time ko eh. Sana magustuhan nyo, and guys may twist na mangyayari next next chapter.

Search For A PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon