Dalawa

707 14 0
                                    

Title: Magpakaligaw

Gusto kong magpakalayo layo
Isip ko'y gulong gulo
Gusto kong magpakaligaw
At iwanan ang lahat

Lumayo sa mga taong mapanghusga
Sa mga taong mahilig mang akala
Sa mga hindi masolusyunang problema
At sa nararanasang pandemya

Gusto kong sumigaw nang napakalakas
Mga sakit na nararamdama'y ilalabas
"Pasensya kana, ako 'lang to"
Hindi ako yung taong inaakala mo

Nakakapagod na
Nakakakawalang gana pa
Puso'y hindi na kinakaya
Pati aking sarili naaapektuhan na

Gusto kong lumayo't magpakaligaw
Tanging ako at ang Bathala lamang
Na siyang gagabay sakin ngayon
At sa mga dadating pang mga araw





Ma'am MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon