Title: Tayong Dalawa
Kung titingnan natin ang mga anggulo
Kahit kailan hindi magiging totoo
Ang salitang "tadhana'y pinagtagpo tayo."
Kasi sa una palang talo na akoTayong dalawa ay hindi dapat
Sayo ako'y hindi sapat
Dahil mas gusto mo yung may maitsura
Gusto mo yung mas magandaKagustuhan ko ang gustuhin ka
Pero andito ako sa posisyon
Na akala ko ako'y sasaya
Hindi pala, isa lang pala 'tong subok na pagkakataon.At dahil dito, natuto ako
Na hindi pala nang magugustuhan mo
Ay magugustuhan ka rin nito
Dahil ang mga parte ng pagibig ay hindi fairSiguro nga tama sila
Pinagtagpo tayo para may makuhang aral
Para magamit natin 'to balang araw
At hindi Niya tayo tinadhana kasi ayon ang tama.
BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoetryHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!