Title: Lungkot
[To my dad, that has a cancer.]
Gusto niyang madama ang buhay na masaya
Gusto niyang makalaya sa mundong puno nang problema
Gustong-gusto niya
Ngunit, paano nga ba?
Ang puso niyang pagod na
Ang mga mata'y namumula, dahil sa kakaiyak niya
At para bang gusto na niyang mawala na
Kasi pati ang sarili, hindi na niya kilala
Siya'y nahihirapan sa mga nararamdaman
Paano ba maaalis ang kalungkutan?
Maaari niyo ba siyang tulungan?
Dahil ayaw na niyang magtapang-tapangan sa mundong kinatatayuan
Sabi nga sa bibliya, " Deuteronomy 31:6 - Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the Lord your God goes with you; he will never leave you nor forsake you "
Sana isipin niya rin ang pamilya at kaibigan
Na laging andiyan at hindi iiwan
Hanggang sa dulo ng walang hanggan.

BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoetryHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!