Title: Nagpapanggap lang ako
Sa likod ng mga ngiti
Sa aking mga labi
May lungkot na nakatago
Ni isa ay walang alam kung ano
Sa likod rin ng salitang
'Ayos lang ako'
May nakatagong "nasasaktan ako"
Sa likod rin ng aking pagtawa
May mga luha na pumapatak
At alaalang tumatatak
Panahong tayo pa
Mapagpanggap
Oo, ako
Nagpapanggap maging masaya
Maging ayos kahit hindi totoo.
Talento ko na ata 'to
Kasi pati sila napapaniwala ko
Ganito pala pag joker ka
Kahit masaya may tinatagong problema
BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoetryHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!