Title: Pinaglaruan mo lang ako
Isa dalawa tatlo...
Una, bakit? bakit ako pa?
Bakit ako pa yung napili mo?
Bakit sa dinami dami pa ng tao ako pa yung pinag tripan mo?
At bakit ako pa yung pinaiyak mo?
Pangalawa, oo ang tanga ko.
Ang tanga ko kasi nag pauto ako sayo.
Kasi nag padala ako sa mga salita mo.
Sa mga katagang binitawan mo.
Sa mga lambing at halik mo.
Sa mga bawat salitang binibitawan mo.
Sa mga pangako mo.
Sa bawat salita mo pag sinusuyo ako.
Pangatlo, ang tanga mo.
Ang tanga mo kasi sinayang mo ko.
Sinayang mo yung babaeng kayang tiisin lahat ng sakit ng binibigay mo.
Yung babaeng kaya kang mahalin ng buong buo.
Yung babaeng kayang ibigay lahat sayo.
Ang tanga mo para lokohin ako.
Lokohin yung babaeng handang mag pakatanga para lang sayo.
Kayang manatili sa tabi mo.
Pero sorry,
Sorry kasi nagising na ko sa katotohanan.
Sa katotohanan na niloko mo lang pala ko.
Pampalipas oras lang pala ko.
PINAGLARUAN MO LANG PALA KO.

BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoetryHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!