XVII

28 3 1
                                    

Title: Hilig na laro

Sa larong basketball
Hindi mo kailangan ng kagwapuhan
Para lang maakit ang mga kababaihan
Kailangan mo rin ng utak para ika'y magustuhan.
Hindi mo rin kailangang magyabang
Kasi sa una palang
Mahina ka pa nung unang laro mo palang.
Wala ka pang lakas
Hindi mo pa kayang tumalon ng mataas.
At sa larong basketball kailangan mo rin ng diskarte
Para ang mga kalaban mo ay mapahanga rin sayo pare.
Lalo na ang manonood mo syempre
At hindi papahuli ang pamilya mong andyan para ika'y suportahan
Kasama na rin yung inlove mong kasintahan.
At ang panghuli sa larong basketball
Dapat walang sukuan
Laban lang nang laban
Kasi laro mo yan
Yan ang pinili mo, yan ang kinahihiligan mo
Dapat ipagmalaki mo na may puso.

Ma'am MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon