Title: Malayo Tayo
Lahat tayo sa pagkakaibigan nagsimula
Pero depende na satin kung mahuhulog tayo sa kanila
Kung bibigyan natin ng malisya ang bawat galaw nila
Kung magkakaroon tayo ng pagtingin sa kanila.Nahulog ako sa aking kaibigan
Dahil na rin sa tagal ng aming pinagsamahan
Mukhang may kakaiba saking nararamdaman
At hindi ko alam, hindi ko alam.Sobrang saya kapag tayo ang nagsama
Totong saya ang ipinapakita
Para akong nasa ulap pansamantala
Dahil sa mga tawa't ngiti mong hindi nakakasawaNgunit, heto na nga
Sa tuwing kasama kita
May kakaiba, may kakaiba sakin
Na hindi ko alam kung aking ba'y sasabihin.Natatakot ako na baka hindi rin ganoon yung iyo
Kaya minabuti kong itago para hindi masira ang tayo
Kaso, mas lumala ata
Yung puso ko, ang lakas tibok kapag nakikita kitaNagdadalawang isip ako
Kung sasabihin ko na ba ang totoo
O hahayaan kasi wala lang 'to
O Diyos, tulungan mo ako.Dumating ang panahon na ako'y nakapag desisyon
Sasabihin ko na ang nararamdaman ko sayo
Wala nang halong joke sa dulo
Ito na, ito na ang pagkakataon"Gusto kita...matagal na"
Sambit ko nung kausap pa kita
At natuwa ako kasi sabi mo gusto mo din ako.
Kaso, akala ko sasaya na tayoNgunit mali ang akala ko.
Hindi pala tayo pwede
Kasi malayo tayo
At ang salitang "tayo" ay imposibleng mangyari.
BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoetryHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!