Title: Dulo
Nakikita mo na ba ang daan?
Patungo sa pagmamahalang walang hanggan.
Diyan na sana ang ating pupuntahan
Kung naniwala
ka langHuminto ang sasakyan
sa ating harapan
Agad agad akong sumakay
at lumingon sayo
Na nasa baba pa at hindi pa
nakakahakbang kahit isa"Halika na, maniwala ka"
Sambit ko na may saya sa aking mga mata
At umabot pa nga
ang ngiti ko sa tainga
Inaaya kitang sumakay
Dahil gusto kitang kasama habang buhay
Ikaw mismo ang bumuo at kumulay
Sa aking mundong
walang saysayNgunit hindi ko inaasahan
Ang tadhana ay muli na naman tayong pinaglaruan
Malapit nang umalis ang sasakyan
Ang aking nararamdaman
ay unting unti nang napapaltan.Umiling at tinalikuran ang
sasakyan na patungo sa dulo
Naglakad ka na parang wala ako
Doon sasaya tayo pero hinayaan mo
Umaagos na ang luhang
pinipigilan koAt ika'y huminto
Inaasahan kong ika'y babalik
Yayakapin ako nang napaka mahigpit
At papaulanan ako ng mga matatamis mong halik
Kaso mali, hindi 'yon ang iyong iniisip
Tumigil ka para lang may sabihin"Pasensya kana, hindi ko kayang maging tamang tao para sayo"
Tila ba may sariling pagiisip ang aking mga mata
Na bigla na lang lumabas ang lahat ng luha
Lumakad kana ngang palayo
Sa lugar kung saan magkasama tayo
Sa lugar kung saan tatagal tayo
Sa dulo ng ikaw at akoMasaya na sana tayo
kung naniwala ka lang
sa sinabi kong"Halika, maniwala ka"
BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoetryHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!