Title: Sa Dulo
Nakikita mo na ba ang daan?
Patungo sa pagmamahalang walang hanggan.
Ayan ang ating pupuntahan
Kung hindi mo lang ako naisipang iwanan.Huminto ang sasakyan sa ating harapan
Agad agad akong sumakay at lumingon sayo na nasa baba pa
Na hindi pa nakakahakbang kahit isa
Tara na sambit ko na may saya sa aking mga mata.Inaaya kitang sumakay
Dahil gusto kitang kasama habang buhay
Ikaw mismo ang bumuo at kumulay
Sa aking mundong walang saysay.Ngunit hindi ko inaasahan
Ang tadhana ay muli na naman tayong pinaglaruan
Malapit nang umalis ang sasakyan
Ang aking nararamdaman ay unting unti nang napapaltan.Tumalikod ka sa sasakyan na patungo sa dulo
Kung saan ang lugar doon sasaya tayo
Ngunit ito tinalikuran mo ko
Umaagos na ang luhang pinipigilan koAt ika'y huminto
Inaasahan kong lilingon ka at babalik
Yayakapin ako ng mahigpit
At papaulanan ako ng mga halikKaso mali
Mali ang aking nasa isip
Huminto ka lang para sabihin 'to
"Pasensya kana, hindi ako yung tamang tao para sayo"At naglakad kana ngang papalayo
Palayo patungo sa lugar kung saan sasaya tayo
Lugar kung saan tatagal tayo
Sa dulo ng ikaw at ako.
BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoesíaHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!