Title: Ikatlong Pamilya
Kung ang una nating pamilya
Ay sina nanay,tatay at mga kapatid
At ang pangalawa naman
Ay ang ating mga guro at kaklase
Nahuhulaan niyo na ba kung sino ang ikatlo?
Para sakin, ang ikatlong pamilyang tinuturing ko
Ay yung mga kasamahan ko sa aking kinahihiligan na laro
Ang BASKETBALL
Hindi naman yan mabubuo
Kung walang naglalaro
At kung walang nagtuturo
Umpisahan natin sa kakampi
Sila yung andiyan para sabay sabay niyong matalo ang kalaban
Sa bawat pag agaw ng bola
Pag shoot sa ring
Mga taong nahihiyawan dahil sa grupo niyong magaling
Pero di naman kayo dadating sa punto na yan
Kung wala ang tumatayong tatay tatayan
Ang COACH
Sya yung lalaking nagturo sainyo
Nagbibigay ng positive quotes
Chinecheer up kayo
Sya yung nagsisilbing tatay niyo
Kung di dahil sakanya
Hindi ba wala kayo?
Kung hindi dahil sakanya
Hindi ka gagaling at lalakas tulad ng iba
Kaya nagpapasalamat talaga ako
Dahil mayroon akong tatlong tinuturing na pamilya
Nagpapasalamat ako dahil itong mga ito ay binigay Nya
Binigay sa akin ng Diyos Ama
Salamat Ama
Lalong lalo na sa basketball
Ang larong talagang pang All
At ang larong kinahihiligan ko Mula noon hanggang ngayon.Ps: hindi ako nagbabasketball sadyang naamaze lang ako sa mga basketball player💕
BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoetryHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!