Title: Doon Tayo Sa Basketball Player.
Sabi nila, doon tayo sa magaling mag gitara
Doon tayo sa magaling sumayaw at kumanta
Doon tayo sa magaling sumulat ng storya.
Pero bakit hindi niyo subukang sakanila mapunta?
Sa mga basketball player na hindi ka paglalaruan diba?
Sabi sabi ng iba
Wag tayo sa basketball player
Kasi bola nga pinaglalaruan nila tayo pa kayang mga babae diba?
Sa tingin ko hindi lahat ng lalaki ganon.
Meron rin kasing seryosong basketball player.
Kaso iilan nalang yan.
Hindi man marunong mag gitara ang mga yan
Sana sapat na yung medalya at trophy na iaalay nila sayo
Hindi man marunong sumayaw
Sana sapat na yung pagtalon, pagtakbo, pagngiti sa tuwing sila na ang magshoshoot sa basket
Hindi man marunong kumanta
Pero mapapawow ka pag nashoot na niya ang bola
Hindi man marunong gumawa ng storyang niyong dalawa
Kaya naman niyang pakiligin ka sa bawat alay sayo nang ginagawa niya
At kapag ang basketball player ay nasaktan
Hindi yan pupunta sa bar para uminom, magpakalasing, makipagbugbugan.
Kasi pupunta yan sa court
Kukuhanin ang bola
At doon ibubuhos ang sakit na nararamdaman sa paglalaro ng kanyang kinahiligan.
BINABASA MO ANG
Ma'am Makata
PoetryHalo halong tula at mga paksa, masaya kang magbasa ng tula. Halika't subukan na!