Chapter 39 - His Side Part 2

477 20 1
                                    

STELLAN POV

Sinubukan kong pumunta sa hospital kung nasaan si cli but they never let me to see her or even to know her situation. Naiintindihan ko naman kung bakit sila ganun kaya umuwi nalang ako. Kinabukasan din ay pumunta ulit ako sa hospital para sunbukan ulit na alamin ang kalagayan ng mag ina ko pero hindi ko na sila nadatnan tinanong ko na halos lahat ng staff at doctor ng hospital pero kahit isa sa kanila walang nagsasalita kung nasaan o kamusta na sila.

Nagpunta ako ng masion nila kahit na hindi ko alam kung anong kahihinatnan ko pag pumunta ako, at gaya ng inaasahan ko nasa gate palang nila ay hinarangan na ako ng mga guard nila. Nakita ko naman na nakatanaw ang lola ni cli kaya habang nakatitig sya sakin ay lumuhod na ako, handa kong isuko ang lahat pati na ang pride ko para sa mag ina ko. Lumipas ang umaga hanggang sa gabi na ay nakaluhod parin ako nakikita ko ang dugo sa tuhod ko pero ni hindi ko na maramdaman ang tuhod ko dahil sa tagal ko na nakaluhod.

Malapit ng sumuko ang katawan ko ng lumabas si merrigan

"Pumasok ka gusto kang kausapin ng reyna" merrigan

Nanginginig ang mga paa ko pero pinilit ko paring tumayo, dahil nakita ni merrigan na hindi ko kayang maglakad kaya pinabitbit nya ako sa mga tauhan nila. Pagpasok ay pinaupo na nila ako katapat ang reyna ang lola ni cli at may hawak itong baril.

" Sabihin mo sakin bakit ka nakaluhod sa labas kanina?" Lola ni cli

"Gusto ko pong makita si cli at kamustahin sya"

D*mn ngayon lang ako kinabahan sa taong kausap ko

"Talaga? Bakit naman gagawin ng isang lalaking malapit ng ikasal ang kausapin ang isang binibini na hindi naman ito ang kanyang papakasalan"

Relax lang syang magsalita pero ramdam ko ang tension sa bawat salita na bibitawan nya.

"Mahal ko po si cli, gusto ko pong malaman ang kalagayan nya at ng magiging anak namin"

"Alam mo pala na nabuntis mo ang apo ko, alam mo ba kung anong ginagawa namin sa mga taong nanakit samin or sa pamilya namin?"

At bigla nya namang tinutok ang baril sakin

"Sorry ma'am i know that i became a jerk no I know that i'm a jerk para gawin yon kay cli I'm sorry"

"Negosyante ako ginoo, hindi ako magbibigay ng kahit ano ng walang kapalit"

"Kung ano pong gusto nyo kahit buhay ko ok lang po"

"Hindi yan ang gusto ko, sasabihin ko sayo kung nasaan ang aking apo at kung anong lagay nya kung susunod ka sa lahat ng utos ko"

Sa sobrang despirado na ako ay hindi na ako makapagisip ng tama

"Sige po kahit ano"

"Ituloy mo ang kasal mo sa nakababatang Hyde at palaguin mo ang business nyong dalawa, gusto ko yung masisilaw ang mga Hyde sa taas ng lipad nila"

"S-sigurado po kayo?"

Bakit ganito ang hinihingi nyang kapalit, parang pabor pa saamin

"Hindi pa ako tapos iho, pagkatapos nun ay pababagsakin mo sila kaya nga lang dawit na ang pamilya mo sa pagbagsak kaya mo ba yun"

Malaki rin ang naging hirap ni mom sa company namin halos buong buhay nya binigay nya dun.

"Wag kang magalala iho bibigyan naman kita ng position sa company namin para naman may maipagmamalaki ka parin sa anak mo. And besides hindi rin naman totoo ang magiging kasal nyo ng nakababatang Hyde. Hindi ko rin naman hahayaan na maging single mom ang apo ko but hindi ka pwedeng magpakita at malaman cli hanggat hindi natatapos ang plano natin"

I'm sorry Mom gusto kong makasama ang mag ina ko.

"Sige po pumapayag po ako sa gusto nyo"

Pagkatapos ng paguusap namin nalaman ko na nasa ibang bansa na si cli para dun sya manganak sinusundan ko sya habang nagpapart time sya para makapag ipon nang panganganak nya na dapat ako ang gumagawa, nandun ako nang nanganak sya nagpanggap akong isa sa mga nurse kita ko ang pagod at ang hirap nya sa panganganak gusto ko syang yakapin ng mga oras na yun hanggang sa lumabas na ang bunga ng pagmamagalan namin alam kong corny mang pakinggan pero yun lang ang nasa isip ko habang naluluha. Ako rin ang nag aalaga kay zach pag pumapasok si cli sa school nya.

Narinig ko na balak nilang ipasok na si cli sa underground business ng pamilya nila pero hindi ako pumayag at nagprisinta ako na ako nalang ang gagawa para kay cli natuto akong humawak ng baril at pumatay ng mga tao na lumalabag sa batas ng pamilya nila pero wala akong pinagsisihan kaysa naman na si cli ang gumawa nun.

Malapit na, malapit na kaming magsama samang magpapamilya.




~Present time~


STELLAN POV

Kasalukuyan akong nakatitig kay cli habang natutulog sya wala paring kupas ang ganda nya kahit hinfi na sya ganoong kainosente ay mukha parin syang angel

Kinuha ko naman ang singsing na ibibigay ko sana sa kanya noon bago mangyari ang aksidente.

Kinuha ko naman ang singsing na ibibigay ko sana sa kanya noon bago mangyari ang aksidente

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(OK GUYS ISIPIN NYO NALANG NA PANGLALAKI ANG KAMAY NA MAY HAWAK NG SINGSING)

Kinuha ko ang kamay nya at isinuot ang singsing hindi nga ako nagkamali bagay na bagay sa kanya


"Someday baby you will walk down the isle while I'm waiting at the front of you and we will promise to love and stay for each other until the end."


THE OUTSIDE WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon