Chapter 25

437 14 3
                                    


CLI POV

Natulala ako sa sinabi ni mama, kaya ba hindi nya masabi kung sino ang tatay ko dahil hindi nya ako anak

"pero mahal na mahal ka ni mama cli kahit hindi ka sakin nanggaling, ikaw ang nagligtas sakin sa nararanasan kong kalungkutan wag kang magagalit kay mama ha" mama

"hindi po ako galit ma binigyan nyo po ako ng magandang buhay at sobra sobrang pag mamahal hindi ko nga po naramdaman na iba ako sa inyo kaya hindi po ako galit, pero ma pwede ko po bang malaman kung paano nyo po ako nakuha?" 

"I was devastated nung namatay si Alejandro kung saan saan ako napapadpad, until one day nagdecide ako na magpakamatay nalang dahil sa mga problema ko, i was about to drink a poison at the park nang nakarinig ako ng iyak mula sa isang sulok then tumakbo ka papunta sakin at niyakap mo ako, you don't know your name but how funny you know your age that time, dinala kita sa mga police nun and few months na walang nag confirm na kamag anak mo dun kita inampon sa takot ko na magaya ka sakin kaya kita kinulong sa bahay, i'm sorry cli kung ngayon ko lang nasabi sayo sorry" iyak ng iyak si mama habang sinasabi sakin ang lahat

"it's ok mama, thank you for giving me more than everything i love you ma"

"thank you anak, mahal din kita" niyakap ako nang mahigpit  ni mama 

"ma may sasabihin po ako" kinakabahan ako 

"ano yun anak?" mama

"m-ma kasi sorry ma, b-buntis po ako" 

"nasabi mo na ba sa kanya?" mahinahon si mama pero ramdam ko ang galit nya

"ma sorry po, wala po akong balak sabihin ma ako pa ang magpapalaki sa anak ko, ayoko po ng gulo"

"sigurado ka ba? akala ko bang mahal mo sya?" lumambot ang tono ni mama at halata na ang pag aalala sa mukha nya

"ma ayoko po ng gulo at hindi rin po ako sigurado kung pananagutan nya ako  kaya wag na po, kaya ko naman pong palakihin an sarili kong anak, kagaya nyo po"

"ok anak, kung yan ang desisyon mo sasamahan din kita na sabihin sa lola mo"

"ma may isa pa po, gusto ko po sanang umalis na ng bansa for good"



SEASON POV

Halos mabaliw ako sa katahimikan sa loob ng classroom, dahil hanggang ngayon hindi parin kami kinakausap nina merrigan. Pati si cli hindi parin sya pumapasok hanggang ngayon halos one week na, nag aalala na ako kung ano ang nagyayari sa kanya ngayon.

"merrigan, unity, and terrence ok na daw ang mga papers to transfer nyo pati yung kay cli pwede nyo ng makuha" prof

papers to what?? bakit aalis na sila??

"ok sir can we leave now??" merrigan

"yes sure, good luck see you again" prof

"thank you sir" merrigan

teka ano ba ang nangyayari bakit may ganito?

hindi na ako nakapag focus pa sa lesson dahil sa nangyari, si circe naman ay hindi ko mabasa ang itsura nya, nagkaayos na kami nung party nagsorry sya sa mga sinabi nya noong araw na yun

"bakit kaya sila aalis??" kasalukuyan kaming kumakain sa cafeteria

"hindi ko rin alam" bakas ang pagkalungkot sa boses nya

THE OUTSIDE WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon