Kabanata 13
~~ Together ~~
"Because, you're mine."
Hindi ko alam kung anong irereact ko. Pero siguradong pinagtritripan ako ng lalaking ito. Tinulak ko ulit sya, pero hindi man lang sya umatras kahit konti.
"Pwede ba! Tigilan mo nga ako. Hindi mo ako pagma may-ari." Sabi ko habang tinutulak sya.
"You're my maid now. Sa akin ka lang. Hindi ka pwedeng lumapit sa iba, lalo na sa lalaki." Aniya.
"Ano ba!" Binuhos ko ang lakas ko para maialis ang kamay nyang nasa magkabilang gilid ko. Naalis ko naman ito. "Uulitin ko parin ito, HINDI MO AKO PAGMAMAY-ARI, KIOS SAGE KASMEY."
Nagtaka ako ng ngumiti sya. "I kinda like it when you call me with my full name."
"Ano?!"
Tumaw sya. Pagkatapos ay pinisil nya ang pisngi ko. "Ang taba ng pisngi." Aniya.
"Bichiwanmongaako." Hindi ko narin maintindihan ang sinasabi ko.
Binitiwan nya na ako. Pero nakatitig parin sya sakin habang natawa. "Good night." Pagkasabi nya non ay ginulo nya ang buhok ko at lumabas na.
Tsk. Baliw na ata talaga. Umirap ako sa hangin.
Nakita kong pumasok na sya sa kwarto nya dahil halos magkatapat lang ang kwarto naming dalawa. Hindi. Magkatapat pala talaga.
Kinabukasan, kinusot ko ang mata ko at bahagyang nag stretch ng katawan. Humikab ako. Medyo inaantok pa ako.
Bisit kasing Kasmey yan eh. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa sinabi nya. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko iyon. Tapos medyo namamahay pa ako, masyadong malaki itong kama para sa akin. Kaya paikot ikot ako kung saang pwesto ako komportable.
Naligo ako at nag ayos. Pagkatapos ay bumaba na sa 1st floor nang mansion.
"Good Morning, Miss Nari." Bati sa akin nung butler na laging inuutusan ni Kasmey pagkababa ko ng hagdan.
Nginitian ko lang sya. Hindi ako sanay na may bumabati sa akin ng good morning, lalo na kapag nasa bahay.
"What are you doing?" Narinig ko ang boses ni Kasmey galing itaas. Pababa narin sya ng hagdan.
"At ano sa tingin mong ginagawa mo, Miss Nari?" Aniya pagkalapit sa akin.
Tinaasan ko lang sya ng kilay. Anong pinagsasabi nitong baliw na to?
Napaatras ako ng bigla nyang nilapit ang mukha nya sa gilid ng mukha ko. Ito na naman ang tibok ng puso ko.
"Diba sabi ko sayo wag kang lalapit sa ibang lalaki maliban sa akin?" Bulong nya.
Jusko naman, Kasmey. Butler nyo kaya iyong tao. Syempre lagi akong makakalapit sakanya dahil nasa iisang bahay tayo.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with a Werewolf (Completed)
Werewolf[Werewolf Series #3] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...