Kabanata 31
~~ I'm sorry, Kios. ~~
"He has a lot of secrets he doesn't want you to know."
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Zaria nung araw na iyon. Pati na ang pagbanggit nya tungkol sa kapatid ko.
Pakiramdam ko ay may kailangan talaga akong malaman tungkol doon, pati na ang sinasabi nyang mga sekreto ni Kios.
"Nari!" Kios called me.
Kakatapos lang naming manuod ng sine. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Alam kong kanina pa kwento ng kwento si Kios sa mga paborito nyang part sa pinanuod naming movie, pero iyong utak ko ay iba ang iniisip. Ni hindi ko na nga naintindihan kung ano ba iyong pinanuod namin kanina.
"Nari, is this about that twins?" Napatingin ako kay Kios. "I told you to stop thinking about them." He sound annoyed.
"Sorry, Kios... Pero kasi they mentioned my kuya. Hindi iyon mawala sa isip ko. Walang nabanggit ang kapatid ko na may kaibigan syang kagaya nilang... bampira." I gulped before I said the last word.
"Nari. They can read people's mind. Kaya ka nilang manipulahin para makuha ka nila. They won't stop chasing you if you don't stop thinking about them."
Wala na akong maisagot kay Kios.
"Don't worry, gagawa si tatay ng paraan para umalis sila sa school natin." He said.
"Why?"
"They're dangerous. Hindi sila pupunta kung nasaan ang mga werewolf kung ayaw nila ng gulo." Sagot ni Kios.
Tumayo si Kios at hinawakan ang kamay ko para tumayo narin. "Let's go. I'll take you home."
Tumayo narin ako, pero bago pa man kami maglakad ay may sinabi ako na nakapag pahinto kay Kios. "I want to talk to them."
Binitiwan nya ang kamay ko at humarap sa akin. "Are you serious, Narissa?"
"I need to know everything, Kios. Kailangan kong malaman ang lahat para manahimik na itong utak ko." Sagot ko naman.
"Sasaktan ka nila, Nari! Hindi ka ba natatakot sa kung anong pwede nilang gawin sayo?!" Tinaasan nya na ako ng boses.
Napalunok ako.
Oo. Alam kong delikado. Pero kailangan ko silang makausap para malaman ko kung paniniwalaan ko ba sila o hindi.
Naiiyak na ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin, susundin ko ba si Kios o itong nasa isip ko.
Hinawakan ko ang kamay nya. "I won't get hurt..." Because I know you will protect me." Tapos ang pisngi nya. "Diba, Kios?"
"Just this once. Pagkatapos hindi ko na talaga sila kakausapin pa. Please?"
Huminga si Kios ng malalim. "Okay. But I'll go with you."
"Huh? Hindi pwede? Hindi sila papayag na kausapin ako kapag kasama kita."
"Nari! Hindi ako matatahimik kapag hinayaan kitang mag isa kasama ng mga blood sucking creature na iyon!"
"Okay. Okay. Pero dapat hindi ka nila makita. Deal?" Tanong ko. Tumango naman sya kahit labag sa loob nya.
Hinatid na ako ni Kios sa, pero ayaw nya parin bitiwan ang kamay ko kahit nasa harap na kami ng apartment ko.
"Kios?"
"Hindi na ba talaga kita mapipigilan sa gusto mo?" Nagpapa cute ba sya? Omg! Super cute!
"Kios. Stop. Hindi mo ako madadala sa pacute cute mo. Kung nag aalala ka, magdadala ako ng madaming madaming bawang sa bag ko at cross para hindi nila ako masaktan. Okay?"
"And a silver thing, they hate it." He added while still sulking.
I smiled. "Opo sir."
Kinabukasan, kinausap ko agad ang Arias Twins sa school tungkol sa plano ko. Syempre sinabi ko din na hindi ko isasama si Kios. Pumayag naman din sila. Pero gusto nilang sila ang magdedesisyon ng lugar kung saan kami pwedeng magusap.
Hindi alam ni Kios ang tungkol doon, ang alam nya lang ay sa school kami maguusap ng Arias twins. Hindi ko na rin sinabi, baka mas lalong hindi sya pumayag.
I'm sorry, Kios.
"I'll be outside the school while you're talking to them, okay?" Sabi ni Kios. Nakatayo kami sa gilid ng kotse nila. Kunwari uuwi sya para hindi magduda ang kambal.
We're holding each other's hands. Tumango ako. "Don't worry." I gave him a smile just to assure him that I will be okay.
He kissed my forehead. "Take care."
Tumango ulit ako habang nakangiti. Pagkatapos ay pumasok na sya ng kotse nila. Nag wave ako pagkaandar ng sasakyan. Nang makalabas na ng school si Kios, agad akong bumalik sa classroom kung saan naghihintay ang kambal na Arias.
"Aww~ You look so sweet. Akala ko hanggang dito lalanggamin kami eh." Salubong ni Zaria sa akin nang makabalik ako sa classroom.
Hindi ko pinansin ang sinabi nya. "Saan nyo ba gustong mag usap?"
"Calm down, girl." Zaria said. "Let's take it slow, we're going to get there." She giggled.
"Tsk." Pareho kaming napatingin ni Zaria sa kambal nya. "Don't make her wait. Let's go!" Utos ni Zeus. At nagsimula nang maglakad paalis.
"Aha!" Mas lalong humagikgik si Zaria. Then lumapit sya sa akin na parang may ibubulong, pero bahagya akong lumayo. "I think, my brother want to bite you. Rawr." Nag act sya na parang tiger tapos nag wink.
Napakunot ang kilay ko sa pagtataka. Naglakad narin paalis si Zaria kaya sumunod na ako.
"Get in." Kinabahan ako nang yayain akong sumakay ni Zaria sa kotse nila. Nakasakay na si Zeus sa driver's seat.
"You want me to get in?" I asked. Kinakabahan ako pero hindi ko lang pinapahalata.
"Umm yes?" Sarcastic na sagot ni Zaria. "Why? You want to walk? No, girl! Ikaw nalang makipag laban sa araw." Dugtong nya at sumakay na sa kotse, sa tabi ng kambal nya.
Wala na akong magagawa, nandito na eh. Saka ngayon ko lang naman ito gagawin. After nito hindi ko na din sila makikita dahil for sure mamadaliin na ni Kios ang tatay nya para mapaalis ang magkapatid na ito sa school.
Huminga ako nang pagkalalim bago pumasok nang kotse nila.
Nagsimula na rin paandarin ni Zeus ang sasakyan.
Pero nanlaki ang mata ko nang makasalubong namin ang kotse nila Kios.
Sinundan ko ng tingin ang kotse nila Kios. I know he's in there. Pumasok ang kotse sa loob ng school. Hindi nya naman siguro ako nakita diba? Pero anong sasabihin nya kapag naabutan nya akong wala sa school? Shit.
I'm so sorry, Kios.
---
(A/N): Sorry kung ang tagal kong mag update :( Nag iisip kasi kung paano ko ito tatapusin pero natagalan ng bongga. I'll try best na matapos to before this year ends. Thank you sa lahat ng readers ng Falling In Love With A Werewolf. Sana mag enjoy kayo until the last kabanata. Love lots.❤️
BINABASA MO ANG
Falling In Love with a Werewolf (Completed)
Loup-garou[Werewolf Series #3] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...