Kabanata 14
~~ Pinagsisilbihan ~~
"Cause, we're living together."
Napanganga ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi ni Kasmey. Siniko ko sya ng malalas kaya napaatras sya.
"Nari, what is the meaning of this?!" Pasigaw na tanong ni Aoi. Alam kong gulong gulo na silang dalawa ni Ivan.
"Guys, mali kayo ng iniisip, magpapaliwanag ako..." Giit ko.
Nandito kami ngayon sa school field, nakaupo kami sa bleachers. Nakaharap sa akin si Aoi at Ivan. Ang sama ng tingin nilang dalawa sa akin, iyong para bang kriminal ako na kailangang e-interrogate.
"Ano, Nari? Magsalita ka! Anong ibig sabihin nang sinabi ni Kios kanina?" Tanong ni Aoi.
Speaking of Kios. Pinauna ko na sya sa classroom. Hindi naman sya kailangan dito.
"Anong ibig sabihin non, Nari? Bakit kayo magkasama sa bahay?" Si Ivan naman ang nagtanong.
Huminga ako ng malalim. "Ganito kasi iyon..."
Kwentento ko sakanila ang nangyari sa akin kagabi. Maliban lang doon sa part hindi normal. Alam nyo na ang ibig kong sabihin. Hindi ko sinabi na sa bahay ako nang mga werewolf nakatira ngayon.
Sinabi kong pinalayas ako sa apartment, nakita ako ni Kios kaya tinulungan nya ako. Wala akong ibang matuluyan kaya sakanila ako nakitulog, pagkatapos ay inalok ako ng mag asawang Kasmey na tutulungan nila pero hindi ako pumayag na walang kapalit ang tulong nila kaya, magtratrabaho ako as maid ni Kios habang wala pa akong nahahanap na bagong apartment at trabaho.
"Sa bahay ka nalang muna tumira!" Giit ni Ivan. Pero hindi ako pumayag. Kagaya ng sinabi ko noon, masyado na silang madaming naitulong sa akin simula nang maging magka kaibigan kami. Ayoko nang dagdagan pa ito dahil sobra sobra na.
"Kung ayaw mo sa amin, kina Aoi..." Tinuro nya si Aoi na parang may iniisip na iba. "Sakanila ka muna. Tutulungan ka namin ni Daddy na maghanap ng apartment." Ani Ivan.
Napakamot si Aoi sa ulo nya. "Sa amin kasi ngayon nakikituloy ang mga pinsan kong Japanese. Hindi ko alam kung kailan sila babalik sa Japan. Sorry, Nari." Paliwanag ni Aoi.
Umiling iling ako. "Ano ba kayo. Okay lang, tsaka sabi ko naman diba? Hanggang sa makahanap lang ako ng bagong apartment at trabaho. Aalis din ako sa mga Kasmey."
"Pero kung iisipin, ang bait ng parents ni Kios noh? Handa silang tulungan ka." Ani Aoi.
Kung alam mo lang kung bakit nila ako gustong tulungan. Tumango ako. "Mababait nga sila, tsaka mahal na mahal nila sila Kios at Shannon."
"Shannon? Sino iyon? Kapatid ni Kios?" Aoi.
Tumango ulit ako. "Oo."
BINABASA MO ANG
Falling In Love with a Werewolf (Completed)
Hombres Lobo[Werewolf Series #3] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...