Kabanata 17

1.6K 54 1
                                    

Kabanata 17:








~~ Cellphone ~~











Kinabukasan, medyo nalate akong magising kaya madaling madali na ako ngayon sa pag aayos para pumasok sa school.











"Miss Nari, hinihintay na po kayo ni Master Kios." Pag uulit ni Ate Mitch. Isa sa mga kasambahay nila.












Si ate Mitch, ate Jade at Manang Bheng ang kasambahay ng mga Kasmey. Si kuya Alex, Jason at Peter naman ang mga Butler. At ang security guard na hindi ko padin kilala. Plus si Manong Romeo na driver ng pamilya.












Nakailang patawag na si Kios sa akin. Nauna na sya sa kotse. Siguradong galit na galit na iyon dahil half hour nalang ay start na ng klase namin.












"Ito na po." Kinuha ko ang bag ko sa gilid at mabilis na tumakbo pababa. Hingal na hingal ako ng makarating sa kotse. Binuksan ko na ang pinto.












"ANO BANG PINAG GAGAWA MO?" Hindi nga ako nagkamali. Namumula na ang tainga nya sa galit.













"Sorry. Hindi kasi nag alarm iyong cell --"













"Magdadahilan ka pa, malilate na tayo? Sumakay kana!" Utos nya.













"Ah. Oo. Oo." Sumakay na ako. Nagsimula nang paandarin ni Manong Romeo ang sasakyan.












"Parang ikaw pa ang may sprain sa ating dalawa, mas matagal ka pang kumilos sa akin. Ano bang pinag gagawa mo?" Reklamo nya.












"Hindi nga kasi nag alarm itong cellphone ko --"












"Nagdadahilan ka pa." Putol nya sa akin.












"Huh?" Napakunot ang noo ko. "Akala ko ba tinatanong mo ako?"













"Shut up. Matutulog pa ako." Sagot nya at ipinikit ang mga mata.












"Ang gulo nito. Tinatanong ako tapos hindi naman ako papasagutin." Bulong ko.












"I said, shut up, Cristobal." Utos nya. Oo nga pala, naririnig nya nga pala ako kahit bumulong ako. Edi wow!












Nakarating na kami sa school. Tatakbo na sana ako dahil five minutes nalang start na ng klase namin, pero naalala kong may pasyente nga pala ako.












Inaalalayan ko si Kasmey sa paglalakad papuntang classroom namin. Nag presenta si Manong Romeo na sya na ang maghahatid kay Kasmey, pero ako namang shunga, okay lang. Dahil kaya ko naman.












Why so tanga, Nari?













"Bakit late kayo, Cristobal?" Salubong sa amin ni Mrs. Perez.













Teka. Bakit ako lang ang tinatanon nya? "Kasi po -- "













"I can't walk properly because of my injury, ma'am. And Cristobal is helping me." Sagot ni Kasmey sa teacher namin.













Falling In Love with a Werewolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon