Kabanata 33
~~ MATE ~~
Sobrang lamig ni kuya Nico nang yakapin nya ako.
"I miss you so much, Nari." Aniya, pagkatapos ay kumalas na sa pagkakayakap sa akin.
Speechless ako at hindi alam ang gagawin.
Pinagmasdan kong maigi ang itsura ng kapatid ko.
Kapag hindi ko alam kung ano ang mga kasama ni kuya ngayon ay hindi ko mahahalata na isa na sya sakanila. Sigurado akong nakasuot ng contact lens ang kuya, maputi ang mukha nya at sobrang pula ng labi na parang naglagay sya ng lipstick.Lipstick nga ba ito?
"Umiinom ka narin ba ng dugo ng tao, kuya?" Ito ang unang lumabas sa bibig ko after ko syang makita.
Hindi sumagot si kuya Nico, pero nakita kong umiling iling si Yanny. "Simula nang maging katulad namin ang kuya mo, sinanay ko syang dugo lang nang hayop ang inumin, pero dahil hindi pa ganoon katagal ng maging vampire sya, kinailangan nyang lumayo muna sa madaming tao upang hindi sya makita."
Tumingin ulit ako sa kapatid ko. "So, ikaw nga iyong sumusunod sa akin?"
Tumango si kuya Nico. "Kasama ko si Zeus nung sinundan kita. Gusto kitang makausap para ipaliwanag ang lahat, pero naramdaman ni Zeus na may nakabantay sa iyong werewolf... Nari, kilala mo ba talaga kung sino sya?"
Napakunot ang noo ko sa tanong ni kuya.
"May ability ang kuya mo na mabasa ang sekreto ng mga tao kahit isang beses nya lang ito makita." Ani Zeus na nasa gilid ko.
"Sekreto? May sekreto sa akin si Kios?" Nauutal kong tanong.
"Pero hindi dapat sa akin manggaling iyon, Nari. Masasaktan ka ng sobra dahil sa sekreto na iyon, but before it'll happen, you need to stay away from him." Kuya Nico said.
Agad akong umiling iling. "No. Hindi ko magagawa iyon, kuya. Mahal ko na si Kios. Hindi ko kayang mawala sya."
"Pero kaya nyang mawala ka." Napatingin ako kay Zaria dahil sa sinabi nya.
"Wha-what do you mean?" I asked her. Pero nagkibit balikat lang sya.
"Hindi kami ang dapat magsabi sayo, Nari. Pero hindi ako papayag na saktan ka nya. So please... Lumayo ka na sakanya hangga't maaga pa." Pag uulit ni kuya Nico.
I smirked. "Kuya, ni hindi ka nagpaalam sa amin nung triny mong tapusin ang buhay mo. Alam mo bang sobrang nasaktan si mama dahil sa ginawa mo? Kuya, nasa mental hospital sya ngayon dahil sobra nyang dinibdib ang mga nangyari at dahil doon, sumuko na ang pag iisip nya at pagkatao nya..."
"Alam ko. And I'm so sorry for it. Hindi ko dapat ginawa iyon, hindi ko dapat kayo iniwan ni mama, lalo nang wala na si papa. Pinagsisihan ko lahat nang iyon, Nari. Patawarin mo sana ako..." Lumapit si kuya Nico sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Pangako babawi ako sainyo ni mama. Pangako, Nari."
Alam nyang nasa hospital si mama. Kaya siguro natawag ni mama si Kios na si kuya Nico dati ay nagpakita na sya dito.
Dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak ni kuya sa balikat ko. "Kung gusto mo akong palayuin kay Kios... Wag ka naring magpakita sa amin ni mama ulit."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na sya. Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni Yanny, pati na ang pag irap ni Zaria at hindi mawaring expression ni Zeus.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with a Werewolf (Completed)
Hombres Lobo[Werewolf Series #3] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...