Kabanata 11

2K 69 3
                                    

Kabanata 11







~~ Stay ~~






"At sino ka naman?!" Bulyaw ni Mrs. Ming.






Pero hindi sya sinagot ni Kasmey. May kinuha ito sa bulsa nya.





Wallet nya.





May kinuha syang papel galing dito at binigay kay Mrs. Ming.





"Kung kulang pa yan, sabihan mo lang. But I'm warning you..don't ever touch Narissa."




Napa atras si Mrs. Ming dahil sa pagbabanta ni Kasmey. Nakakatakot kasi ang mga titig nito.




Kahit ako ay medyo kinabahan din.




"Let's go." Hinakawan nya ang kamay ko at hinatak paalis.




"Teka! Teka!" Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.




Nasa tapat na kami ngayon ng apartment ko.






"Magkano yung binigay mo kay Mrs. Ming? Babayaran ko nalang." Sabi ko.





"You don't need to." Aniya.




"Hindi pwede. Kailangan kong bayaran iyon dahil pera mo iyon." Untas ko.




"Fine!" Medyo tumaas ang boses nya. "Pay it whenever you want. But you need to come with me first.." Aniya.





"Huh? Saan?"






"Hindi natin nakuha yung passcode ng apartment mo kaya hindi ka parin makakapasok dyan, at ayoko namang bumalik ka pa doon sa pangit na matandang iyon.."





"So ano ngang point mo?" Tanong ko.






"Let's go to my house."





"Ano?!" Gulat ko. "Ba-bakit ako sasama sa bahay mo?" Umatras ako ng konti palayo sakanya.




"Saan ka matutulog ngayong gabi?" He asked.





Oo nga noh? Saan pala ako matutulog ngayon? Hindi ako makapasok sa apartment.





"Ano-umm..tatawagan ko nalang ang mga kaibigan ko. For sure susunduin nila ako ngayon dito.." Kahit ako hindi sure sa sinasabi ko.




Kinuha ko ang cellphone ko, dinial ko ang number ni Aoi at tinalikuran ko si Kasmey.





The number you have dialed is either unavailable or out of coverage are...





Napakagat ako sa labi ko.





Next kong tinawagan ay si Ivan. Pero ring lang ito ng ring.




Naka ilang tawag pa ako sa mga kaibigan ko pero wala talagang sumasagot.







Huminga ako ng malalim bago humarap ulit kay Kasmey.





"Umm...ano- papunta na daw si Aoi." Nag force smile ako.





"Tingin mo hindi ko narinig iyong tawag mo?" Aniya.





Napapikit nalang ako sa kahihiyan.






Nakalimutan kong malakas nga pala ang pandinig nya.





Falling In Love with a Werewolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon