Kabanata 36

1.2K 47 2
                                    

Kabanata 36




~~ New Born ~~





Hindi ko kinaya ang nakita ko. I started crying. Pero hindi dapat nila ako makita nang ganito.





Pinunasan ko ang luha ko at dali daling tumakbo.




"Nari!" Tinawag ako ni Aoi pero hindi ko na sya nilingon.





Sa rooftop ako ng school building napadpad. Agad kong sinarado ang pinto nito at hinarangan ng upuan para walang makapasok na ibang tao.




Nagsimula na naman akong umiyak.





Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.





Nagising na si Mikaela.





Sya na ulit ang mahal ni Kios.





Masama ba akong tao kung hihilingin ko na sana hindi nalang sya nagising? Paano naman ako?




Buong buhay ko wala na akong ibang inintindi kundi ang pamilya ko. Pero ngayon kung kailan naman gusto ko nang magmahal para sa sarili ko, ngayon pa nangyari ang ganito.




"Stop wasting your tears for that dog." Napatingin ako sa nagsalita.





Si Zeus na nakatayo sa harapan ko.




"Paano ka nakapasok dito?" Tinignan ko ang pinto, nandoon padin naman ang upuan. Lumipad ba sya paakyat dito sa rooftop?





"No. I didn't fly. I jumped from trees to trees until I get hear because I heard you... And don't worry, walang nakakita sa akin." Ani Zeus.





Pinunasan ko ang luha ko. "Bumalik ka na sa classroom." Inayos ko rin ang uniform ko.





"Should we go back together?" He asked.





I shake my head. "Ayoko. Hindi ko pa sila kayang makita."




"Nari!" Nabigla ako nang medyo malakas ang pagkatawag sa akin ni Zeus. He put his hands on my shoulders. "Hindi habang buhay pwede mo silang taguan. Face them, Nari! Wala kang ginawang masama para ikaw ang umiwas."




Napalunok ako. At napaisip.





Tama si Zeus.





Bakit ako ang iiwas at magtatago? Mas masakit ang ginawa ni Kios sa akin. Ginamit nya lang ako habang hindi pa nagigising ang totoong girlfriend nya.




Napatingin ako sa kamay ni Zeus nang hawakan nya ang kamay ko. "Let's go."





Wala na akong isinagot pa at hinayaan nalang si Zeus na higitin ang kamay ko.





Lahat nang kaklase namin ay napatingin sa amin ni Zeus nang dumating kaming magkahawak ng kamay.





Pati na si Kios at Mikaela.





Nakita kong nagbago ang emotion ni Kios. Para syang nagalit sa nakita.





Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Zeus.





Tumayo naman si Kios at lumapit sa amin. "What is the meaning of this?"





"None of your business..." Mahinang tugon ni Zeus.





Falling In Love with a Werewolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon