Kabanata 3

2.8K 81 2
                                    

Kabanata 3:



~~ Ang unang pagkikkita ~~




"Hindi pa ba nila labasan?"



Tanong ko kay Aoi. Nandito parin kasi kami sa labas ng room nila Ivan at naghihintay.



"I don't know.." She said.



"Ang tagal naman." Reklamo ko.



"Malapit na yan." Ani Aoi.



"Tsk."



"Okay..that's enough for today.."



Sabay kaming napatayo ng maayos ni Aoi ng marinig ito sa teacher nila Ivan.



"Yes!" Sabay naming sabi ni Aoi at nag high five.



Nagtayuan na ang mga studyante pagkalabas ng teacher nila.



"Tara! Salubungin natin si Ivan." Anyaya ko kay Aoi.



Hinila ko sya palapit sa pinto ng classroom nila Ivan.



Pero saktong paglapit namin ay nabangga ako sa isang lalaki.



"Ouch." Daing namin pareho.



Medyo malakas kasi yung impact nang pagkakabangga namin sa isa't isa.



"Sorry.."



"Tatanga-tanga kasi eh." Ani ng lalaking nakabangga ko.



Napakunot ang noo ko.



Inaamin kong hindi ko sya nakita, pero ang sama naman atang sabihan nya ako nang tatanga tanga.



"Excuse me?" Untas ko.



"Bakit dadaan ka? Alam ko kasi matatalino lang ang napasok sa room na ito eh." Aniya.



Mas lalong nag igting ang panga ko sa inis.




"Anong sabi mo?" Hinanda ko ang kamay ko para suntukin sya, pero piniginalan ako ni Aoi.




Hinawakan nya ako sa braso. "Bakit?" Tanong ko.



"Si Kios Kasmey yan." Bulong ni Aoi.



Ah. Kios Kasmey pala ah.




"And so?" Nilakasan ko ang boses ko. "Wala akong pake sa kung sino sya, hindi tamang mang lamang ng tao." Sinabi ko ito sa nang nakaharap sa Kios na iyon.




"Kung ayaw mong masabihan ng tanga, wag kang pakalat kalat sa lugar nang matatalino." Sabi ni Kios.




Iniinis ba talaga ako ng lalaking ito?




"Anong problema mo sakin? Nag sorry naman ako diba? Hindi ko sinasadya."



Pinipigilan na ako ni Aoi.



Alam nya kung paano ako magalit. Kahit sino pinapatulan ko basta hindi na tama ang ginagawa.



"I don't care about your sorry, it's not enough.."



Sasapakin ko na sana sya pero agad nahawakan ni Ivan ang kamay ko.



"Nari, stop it. Gusto mo bang ma-suspend?" Ivan said.



Falling In Love with a Werewolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon