Kabanata 6:
~~ Be My Girlfriend ~~
Kaya nang mag uwian ay agad akong pumunta sa rooftop ng school building. Nang makarating ako ay nakita ko agad ang pintong nakabukas.
Alam ko ay bawal umakyat ang mga studyante dito kaya laging naka lock.
Pero, dahil si Kios Kasmey ang nagpapapunta sakin dito, malamang ay bukas ito. Lahat ata ng kwarto dito sa school ay may access sya.
Huminga ako ng malalim bago pumasok.
Tumingin tingin muna ako sa paligid. Nakita ko sya sa bandang gilid na nakatingin sa ibaba ng grills.
"Anong kailangan mo?" Sabi ko. Nakuha ko naman ang atensyon nya at lumingon agad sya sakin.
He put his hands inside his pocket. "You're here."
"Ano bang kailangan mo sakin? At ano ito?" Pinakita ko sakanya ang paper bag na laman ang uniform ko.
"Oh. Bakit hindi mo pa yan sinusuot?" Tanong nya habang naka smirk.
"At bakit ko naman ito susuotin? Hindi ko pera ang pinambayad ko dito.." Lumapit ako sakanya at inabot ang paper bag. "Hindi ko kailangan ng tulong mo."
"Itapon mo kung ayaw mo. Anong tingin mong gagawin ko pa dyan eh uniform mo yan." Ngumisi sya.
Ugh. Nakakainis talaga yung pag ngisi ngisi nya. Parang nang aasar talaga!
"Wala akong pake. Pero hindi ko tatanggapin yan, lalo na't galing sayo."
"Bakit hindi ka nalang magpasalamat? Ang dami mo pang sinasabi. Saka isa pa, hindi mo rin naman pera ang ipangbabayad mo dyan diba? You borrowed money from your friends, right?"
Paano nya nalaman ang tungkol doon?
"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" Tanong ko.
"I know your life story, Narissa Cristobal, your mom is in the hospital, ikaw lang mag isa ang bumubuhay sainyong dalawa ng mama mo, nagtatrabaho ka sa convenience store sa gabi tapos sa restaurant nila Ivan Lim, your dad and brother died so you need to support your study and your mom.."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.
Paano nya nalaman ang lahat ng iyon?
"Pinapa imbestigahan mo ba ako?"
He smirked again tapos nagkibit balikat.
"Ganyan ka ba talaga kagalit sakin at pati buhay ko inuusig mo?" Naiinis na ako.
"Nope. I forgive you already so don't worry about it anymore." Aniya.
Lalo kong ikinainis ang sinabi nya. "Ano ba talagang kailangan mo sakin?" Pinag taasan ko na sya ng boses.
Nakita ko ang pagbabago ng expression nya dahil sa ginawa ko. "Don't dare to raise your voice at me again!" Banta nya.
"Bakit anong gagawin mo sakin?" Panghahamon ko din.
He clenched his teeth.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with a Werewolf (Completed)
Hombres Lobo[Werewolf Series #3] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...