Extra Kabanata(1)

1.7K 46 1
                                    

| KIOS' POV ]


Bata palang alam ko na kung ano ba talaga ako. Hindi naman tinago ng magulang ko ito sa akin. Palagi pa nga nila akong tinuturuan sa mga pwede at bawal gawin ng pagiging isang werewolf. Ang tatay ko ang present alpha, kapag nag eighteen na ako at nagpakasal na sa mate ko, ililipat na sa akin ang posisyon nya.



Pero gusto ko, bago ako magpakasal sa mate ko, kilala na namin ang isa't isa. At para mangyari iyon, lagi akong pumupunta sa bahay nila Mikaela para makipaglaro sakanya, pero sa wolf form ko. Hindi nya alam na nagiging tao ako. Gusto kong unti unti na magpakilala sakanya para hindi sya matakot sa akin. Mahigit isang taon akong naging pet ni Mikaela, pareho pa kaming bata noon kaya hindi ako masyadong malaki at aakalain mo lang ordinaryong aso.




"K-Kios?" Napatakip si Mikaela ng bibig dahil sa pagkabigla. Kita ko sa mata nya ang pagkakagulat, lalo na ang takot.




Ito ang unang pagkakataon na pinakita ko sakanya ang tunay kung anyo. First year high school na kami, mas lalo nang lumaki ang wolf form ko kumpara noong grade school palang kami. Hindi na ako pwedeng magpanggap na pet dog nya, kaya sinabihan narin ako ni tatay na ipaalam na sa mate ko.





Binalik ko ang human form ko nang makitang takot na takot si Mikaela. Sinuot ko ulit ang uniform ko na hinubad ko kanina bago magtransform sa pagiging wolf.




"Mikaela, it's me. Your pet dog." Lalapit sana ako sakanya pero lumayo sya kaya hindi ko na ginawa. Takot na takot parin sya.






"No...no. Impossible. H-how this? No..." She's shaking her head. Hindi parin makapaniwala sa nakita.





"Let explain everything... I'm a werewolf and you're my mate. We're bound to marry each other at the right time. Nagpanggap ako na normal na aso para mapalapit ako sayo at para makilala kita ng lubos." Paliwanag ko.






Umiiling iling parin si Mikaela habang nakatakip ang mga kamay sa bibig. May luha narin sa gilid ng kanyang mga mata.






"No... You're a... You're a dog!" Sumigaw sya pagkatapos ay tumakbo palayo sa akin.





"Mikaela, wait!" Dali dali ko syang sinundan.






Nakalayo na kami sa school pero takbo parin sya ng takbo palayo. Naiintindihan ko kung bakit sya takot na takot sa akin. Binalaan narin ako ng magulang ko tungkol dito. I expected this, but I didn't think that she will runaway from me.







"Mikaela!!!" I shouted her name when I saw a truck near her. It's going to hit her!







I don't know what happened after that. Basta ang natatandaan ko lang ay nagtransform ako sa pagiging wolf para mas mabilis ko syang mailigtas. Pero huli na ako. We're both hit by the truck.







Nagising akong nasa hospital room na. Nakita ko ang magulang kong nakaupo sa maliit na sofa sa gilid. Pero agad silang napatayo ng makita akong nagising.






"Kios, anak." Hinawakan ni Nanay ang kamay, habang isang kamay ay nasa pisngi ko. "May masakit ba sayo? Huh?"







I shake my head. "Si Mikaela po?" Nagiba ang expression ni Nanay, pero hindi ako sinagot kaya si Tatay ang tinignan ko. But I can't explain his expression right now.






"Tay, si Mikaela po? How-how is she?"







Tatay didn't answer me.






Falling In Love with a Werewolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon