Kabanata 35

1.2K 39 1
                                    

Kabanata 35






~~ Mikaela ~~






"Hello?" Nagulat ako sa biglang nagsalita sa gilid ko.






Isang babae na parang nasa 30s.






Ang ganda nang ngiti nya sa akin kaya hindi ko din napigilang ngumiti. "Hello po."






Tinignan nya ako simula ulo hanggang paa. "Classmate mo si Kios?" She asked.





Sumulyap ako bahagya kay Kios na nakatingin padin sa babaeng nasa kama. "Ah. Opo." Sagot ko.






"Ah. Ako nga pala si April, tita ako ni Mikaela." Sabi nya sabay turo sa loob nang kwarto.






Mikaela nga ang pangalan nang babaeng nasa kama.






"Buti napadalaw kayo ni Kios, matagal tagal narin kasi syang hindi nakakadalaw kay Mikaela eh." Ani tita ni Mikaela.






Pangiti ngiti lang ako pero sobrang dami ko nang iniisip.






"Pwede ko po bang matanong kung anong nangyari kay Mikaela?" Nilakasan ko na ang loob ko.






"Two years ago nung maaksidente sila ni Kios..." Ikinabigla ko ang sagot nya.






Naaksidente silang dalawa? Kaya ba nawala ang ability ni Kios sa pagiging werewolf?








So ibig sabihin si Mikaela ang...






"Two years na syang comatose... Pero hindi parin kami nawawalan nang pag asa. Ang sabi nang doctor nya, may posibilidad parin syang magising... We're still hoping na magigising parin sya isang araw. Lalo na si Kios. His her mate." April.






I don't know what to react.






Parang naninigas ang buo kong katawan at hindi ako makagalaw. Ramdam ko din ang malamig kong pawis at nanginginig ang mga kamay ko.






"Okay ka lang ba? Gusto mo tawagin ko na si Kios?" Para akong bingi na ewan, naririnig ko sya pero hindi ako makasagot.






"Miss?" Pag tawag nya ulit sa akin. "Okay ka lang?" Hinawakan nya na ako sa balikat.






"Nari?" Mas lalo akong kinabahan nang marinig ang pagtawag sa akin ni Kios.






Inalis ko ang kamay ni April sa balikat ko at dali daling tumakbo. Hindi ko na din nilingon si Kios.






Sa itaas na floor pa ang hospital room ni mama, pero ang tagal makababa ng elevator kaya sa hagdan nalang ako dumaan.






"Nari, wait!" Mabilis akong nahabol ni Kios. "Nari!"






Hindi ko sya pinapansin at tuloy padin sa pag akyat.






"Nari!" Pero naabutan nya padin ako. "Nari, please, listen to me..." Pareho kaming nakatigil ngayon. Pero hindi ako tumitingin sa mukha nya.






Nakahawak sya sa kamay ko, kaya agad ko itong kinalas.






"Nari..." His soft voice ringer into my ears. "Please, just listen to me..." He hold my hand again. "Please?"






Falling In Love with a Werewolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon