Kabanata 16:
~~ Saklay ~~
Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?" Tanong ko kay Kasmey na nakatingin parin sa akin.
Tumungo tungo sya habang may nakakainis na ngiti sa labi. "Yup. You're absolutely right, Miss Cristobal." Aniya.
"Huh? Bakit ako? May saklay naman bakit kailangan mo pa ako?" Tanong ko.
Tinuro nya ako habang may galit na expression. "Dahil ikaw...ang may kasalan nito." Tinuro nya naman ang paa nyang may bandage.
"Pero ang sabi ni Doc, minor injury lang naman daw at gagaling agad..." Tumingin ako kay Doctor Jerome, na ngayon ay hindi man lang makaharap sa akin.
Tumingin ako kay Kasmey. Nakatingin sya sa Doctor. Siguro ay tinakot nya ito kaya walang maisagot sa akin.
"Mauna na ako." Paalam ni Doctor Jerome at mabilis na lumabas ng kwarto.
"Kios, mauna narin kami." Paalam ng mga kaibigan nyang si Tyrone at Hansel. Kanina pa pala sila nakaupo sa sofa sa gilid.
"Sige. Salamat." Sagot naman ni Kasmey sa mga kaibigan nya. Lumabas na silang dalawa.
"Mga werewolf din ba sila?" Agad kong tanong kay Kasmey. "Paano nila nalaman na may nangyari sayo kanina?"
Wow! Nakuha ko pa talagang magtanong diba.
"Oo. Mga werewolf din sila. We're also childhood friends..." Ani Kios. Tumango tango ako.
Ay wait. Parang may nakakalimutan ako. "Hoy! Bakit ako ang magiging saklay mo? Hindi naman malala iyang sprain mo?" Iba ko sa usapan.
"It's hard to walk, saka nakirot pa kaya kailangan ko nang mag aalalay sa akin. Hindi enough ang saklay lang." Aniya. "Saka pwede ba, wag ka nang mag dahilan. Ikaw ang may kasalan kaya nagka ganito ang paa ko."
Okay. Okay. Kailangan pang ulit ulitin?
Lumabas na kami ng school hospital room. Nakaakbay sa akin si Kasmey dahil inaalalayan ko sya sa paglalakad. Sakto namang paglabas namin ay nandon si Ivan at Aoi.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sakanila.
"Nari, okay ka lang ba?" Agad akong nilapitan ni Ivan. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tinignan kung may injury ba ako. Alalang alala ang expression nya.
"Okay lang ako..." Napalingon ako kay Kasmey nang bahagya syang naubo. Papansin talaga. "Niligtas nya ako kaya walang nangyari sa akin." Alam kong iyon ang gusto nyang sabihin ko.
"Kaya ba si Kios ang may injury sa paa?" Tanong ni Aoi habang nakatingin sa paa ni Kasmey tapos tumingin sya sa akin.
"Huh? Oo. Pero hindi naman daw malala sabi ni Doc Jerome." Sagot ko.
"Hindi naman pala malala eh, bakit kailangan mo pa syang alalayan?" Tanong ni Ivan. "Saka may saklay naman para sakanya." Dugtong nya.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with a Werewolf (Completed)
Werewolf[Werewolf Series #3] This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or act...