Seulgi
Putangina ang ingay. Tinignan ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na.
"4:30? Seriously? Tangina?" Sabi ko at napakamot ng ulo. Tumayo ako para tignan kung anong nangyayari sa labas maingay talaga.
Pagtingin ko sa bintana ko may mga taong tumatakbo. Aga aga fun run? May libreng pa-eut si mayor?
Lumabas ako ng apartment ko para magtanong sana kung anong nangyayari.
Hinarang ko ang isang babaeng tumatakbo na parang wala ng bukas. "Miss anong nangyayari?" Clueless na tanong ko sakanya.
"M-may t-tao n-nangangagat!!" Sigaw niya at akmang tatakbo na sana ng pinigilan ko siya. "Taph taph." Sabi ko at hinawakan siya sa wrist.
Nakita ko namang kinakabahan siya habang ang mga tao ay dagsaan pa rin sa pagtakbo. "Putangina naman miss eh pag ako namatay ikaw din papatayin ko e." Inis na sabi niya at tatanggalin na sana ang kamay kong nakahawak sa wrist niya ng higpitan ko ito.
Hinatak ko siya papasok ng bahay ko at sinara ang pinto. "Ayan okay ka na? Anong nangyayari sa labas? Tsaka ano kamo? What do you mean by nangangagat? Ano sila asong ulol?" Sabi ko sakanya habang nakakunot ang noo.
Tinignan ko siya at nakita kong nanginginig ang mga kamay niya kaya pinaupo ko siya at kinuha siya ng tubig at inabot sakanya.
"M-may t-tao n-nangangagat. M-mabagal m-maglakad." Kinakabahang sabi niya sakin.
Nagulat naman ako ng may kumatok sa pinto ko. Akma ko ng bubuksan ito ng pigilan ako ng babae. "Baka isa yan sa mga nilalang." Sabi niya sakin.
Tumakbo siya sa mga bintana ko at sinara lahat ng bintana ko at tinakpan ng kurtina.
Paulit ulit na katok pa ang naririnig ko kaya kinuha ko ang baseball bat sa likod ng pinto ko at binuksan ang pinto.
"Sino ka?" Tanong ko sa lalaki na kumakatok sa pinto ko. Di sumagot ang lalaki at tinaas ang kamay niya na parang pinapapila sa flag ceremony at lumakad papalapit sakin pero ang bagal niya.
Kulay pula ang mata niya at ang ugat niya sa ulo ay naglalabasan na tila ba ay galit na galit.
Nagulat ako ng biglang natumba ang lalaki at nakita ko yung pinagtanungan kong babae kanina na hawak yung antique vase ko. S-shit! yung vase ko!
Binitawan niya yung vase ko na basag at pumunta dun sa lalaki sinipa sipa niya palabas yung lalaki at nilock ang pinto ko.
Lumuhod ako sa vase ko na basag at pinulot ito at niyakap. Sa ninuno ko pa 'to eh huhu.
"Yung lalaki isa yun sa tinutukoy ko." Sabi niya at lumapit sakin.
"Eh bakit hindi niya ko kinagat?" Tanong ko sakanya.
"Kasi nga mabagal siya." Kalmadong sabi niya.
"Son Seungwan o Wendy nalang." Sabi niya sakin at in-offer ang kamay niya sakin.
Umiwas ako ng tingin sa kamay niya at nag pout. "Yoko binasag mo yung antique vase ko." Sabi ko sakanya.
"Childish mo. Anong name mo nga?" Sabi niya at ginalaw ang kamay niya para tanggapin ko ang kamay niya.
"Kang Seulgi." Sabi ko sakanya at bumusangot yung vase ko tangina dito nilalagay yung mga name ng na-eut ng mga ninuno ko e.
"Nice to me-" Nahinto siya dahil may sunod sunod na katok ang nanggaling sa pinto.
Hinawakan ko ang baseball bat ko at si Wendy naman ay yung walis ko.
"Seulgi tandaan mo, pag pula ang mata, galit na galit ang ugat sa ulo at mabagal maglakad at nakataas ang kamay yun yung nangangagat." Sabi niya sakin kay nag nod ako.
Binuksan ko naman ang pinto. Bumungad samin ang tatlong babae na naghihingalo at tumakbo papasok ng bahay ko. I guess tao pa sila kasi mabilis silang nakapasok dito.
"Joy! Yeri!" Sigaw ni Wendy at niyakap yung dalawang babae.
"Chicken chicken chicken." Sabi naman nung isang babaeng di niyakap ni Wendy.
"Kim Jisoo?!" Gulat na sabi ni Wendy at niyakap yung babaeng nagsabi ng manok.