Irene
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko silang kumakain na kasama si Seulgi.
Tinignan ko siya, mugto pa ang mga mata niya.
Nang mapatingin siya sa akin ay agad akong nag iwas ng tingin sa kanya.
"Oh Irene unnie tara kain na." Sabi ni Wendy kaya tumango ako at lumapit sa kanila.
Hahatakin ko palang sana ang upuan ko nang biglang ibagsak ni Seulgi ang hawak niya at padabog na tumayo.
"Nawalan na ko ng gana." Malamig na sabi niya at lumakad pero hinabol ko siya at hinawakan ng madiin ang wrist niya.
"Bitaw." Malamig na utos niya pero hindi ko siya sinunod. Seulgi..
"Ano bang ginawa ko Seulgi? Bakit ganyan ka kagalit sa akin?" Malungkot na sabi ko sa kanya.
"Pano dahil sayo nagpakamatay siya! Sinabi niya sakin bago siya tumakbo!" Galit na sigaw niya at nagitla naman ako at lumuwag ng kaunti ang hawak ko sa kanya.
"Dapat ikaw nalang yun eh! Dapat ikaw nalang yung nawala dapat ikaw nalang yung nakagat!" Madiing sabi niya sa akin kaya nagbagsakan na ang mga luha ko. Gusto ko sanang sabihing sml kaso masisira yung drama part eh.
"S-seulgom.." Tumulo ang luha ko at nabitawan ko ang wrist niya at tumakbo ako palabas ng bahay narinig ko ang sigaw na pag pigil nila Wendy pero wala akong pakelam.
Tumakbo ako palabas ng bahay niya. Ansakit. Sobra. Yung taong mahal mo hinihiling na sana mamatay ka nalang.
Pumunta ako sa bakuran ni Seulgi at umiyak lang ng umiyak ng tahimik doon.
Naramdaman kong may yumakap sa akin patalikod.
"Joohyun.." Wet teka euter ba to? Hala? Ende boses ni Seulgi to.
Lumingon ako dito at nagulat pa ko dahil sa lapit ng aming mga mukha.
"Joohyun sorry na." Lumipat siya sa harap ko at pinunasan ang mga luha ko.
"H-hindi ka na galit?" Tanong ko sa kanya. Bipolar ba siya? Bwiset.
Nag eyesmile siya at tumango. "Hindi na ko galit Joohyun kaya wag ka ng umiyak nasasaktan ako pag nakikita kitang umiiyak." Mahinahong sabi niya at kinulong niya ko sa mga bisig niya.
Hindi pa din ako matigil sa paghikbi at nararamdaman ko nalang na hinihimas niya ang buhok ko.
"Naalala mo pa ba Joohyun nung mga bata pa tayo? Bakla na ko sayo nun eh." Wait nakakaalala na siya?
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at pinunasan uli ang luha sa mga mata ko.
May pinitas siyang santan at pinagdikit ito at nagpormang singsing.
"Bae Joohyun maaari ba nating ituloy ang naudlot at sabay na gumawa ng lunas para makaligtas tayo?" Sabi niya at lumuhod sa harap ko kaya lalo akong napaluha.
"Ofcourse Seulgom!" Patuloy umaagos ang luha ko, hindi dahil ako ay malungkot kundi dahil umaapaw ang sayang nararamdaman ko ngayon.
"Joohyun sorry kung nasaktan kita noon i love you." Medyo maluha luha ding sabi niya at tumayo at sinuot sakin ang ginawa niyang singsing ng santan at hinalikan ako sa labi.
"Mas mahal kita wag ako papatalo." Nakangiti habang umaagos pa din ang luha ng saya sa aking mga mata.
Napatawa naman siya ng kaunti at hinalikan uli ako.
The end.
