Jennie
"Unnie asan na yung mga pinapakuha ko sayo?" Tanong ko kay Irene unnie.
"Nasa taas dun sa may ibabaw ng table nakasilid sa isang envelope." Sabi niya kaya tumango ako.
Nilapitan ko sila si Jisoo at Seulgi na naglalampungan. Grabe sakit sa eyes. "Jisoo pwede ka ba? Sandali lang." Sabi ko nakita ko namang tumingin pa siya kay Seulgi na parang nagpapaalam. Mabuti at tumango naman si Seulgi. Good.
Habang tinatahak namin ni Jisoo ang daan patungo sa aming kwarto ni Irene unnie ay tahimik lang kami. Walang nagsasalita. Kaya ako na ang babasag ng katahimikan.
"Jisoo." Tawag ko sa kanya.
"Hmm?" Yan na yung sagot niya.
"Kayo na ba ni Seulgi?" Tanong ko. Kahit naman kita ko na nagtatanong pa din ako syempre kailangan mo ng confirmation diba mamaya pala hindi sila sO STOP ASSUMING THINGS.
Eh maganda nga yun eh hindi sila.
"Hmm hindi pa." Nakangiting sabi ni Jisoo. Hindi pa so may balak siya?
Hindi ko na siya sinagot at pumasok na kami ng kwarto ni Irene unnie.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya kaya umiling ako at kinuha yung envelope na sinasabi ni Irene unnie at binigay sa kanya.
Binuksan niya ang envelope at una niyang hinugot ang litrato ng dalawang batang baklang masaya ay jok babae kasi.
"S-si Seulgi ba 'to?" Tanong niya kaya nag nod ako bilang sagot.
"Eh sino 'tong isa?" Turo niya kay batang Irene unnie. Gurang na kasi yun ngayon eh.
"Joohyun unnie." Matipid na sabi ko habang nakatayo lang at siya ay nakaupo sa kama namin ni unnie.
"A-ah i didnt know na magkababata pala sila alam ko lang niligawan siya ni Seulgi nung highschool." Sabi niya at medyo napapansin ko na namumuo na ang luha sa kanyang mga mata.
Sunod may kinuha siyang isang papel dahil may sobre ito mukha itong liham.
Binuksan niya ang liham at binasa ito habang binabasa niya ito ay nag tuloy tuloy na ang mga luha niyang gusto nang bumagsak.
Pagkatapos niya basahin ang liham na iyon ay lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha niya gamit ang magaganda at mahahaba kong daliri😋
At nang medyo nahimasmasan na siya ay tumigil na din ako at medyo dumistansya na sa kanya.
Kinuha niya na naman ang panibagong liham at parang dinudurog ang puso ko pag nakikita ko siyang ganyan. Gusto ko siyang yakapin pero basahin niya muna yan.
Hinugot niya ang huling liham ni Seulgi kay Irene unnie pero umiiyak pa din siya. Wtf diba binasted ni Irene unnie si Seulgi? Ba't pa siya naiiyak? Heol.
At ang inaakala kong huling liham na huhugutin niya ay tatlo lang dahil may isa pa palang liham na hinugot niya dun. Habang binabasa niya yung liham sobrang basang basa na talaga yung binabasa niya lagot ako kay Irene unnie neto eh.
At nang matapos niya ng basahin yun ay tinignan niya ang envelope kung may laman pa ito at my hinugot siyang lantang bulaklak ng santan.