Seulgi
"J-jisoo.." Sambit ko habang umiiyak.
"Seulgi." Tawag sakin ni Joohyun at lumuhod sa harapan ko.
Pinunasan niya ang luha sa mga mata ko pero balewala yun dahil kada punas niya ay siya namang pagtulo ng aking mga luha.
"Seulgi halika na tumayo ka na diyan." Tumayo si Joohyun para akayin sana ako pero nanatili pa rin akong nakaluhod.
"Seul-" Hindi na natuloy ni Joohyun ang sasabihin niya dahil pinutol ko iyon.
"Alam mo ba kung bakit tumakbo si Jisoo doon? Ha?" Sigaw ko sa kanya kaya nagulantang naman siya sa biglaan kong pag sigaw.
Tumayo ako at pinagpagan ang mga tuhod ko. "Dahil sayo! Kaya niya ginawa yon! Dahil sa atin! Joohyun hindi ko maintindihan si Jisoo! Hindi naman kita mahal eh. Si Jisoo yung mahal ko! Siya lang! Si Jisoo lang!" Gigil na sabi ko sa mukha ni Joohyun kaya nakita ko ang unti unting pagbagsak ng mga luha niya.
Tumalikod siya sa akin at naglakad na palayo sa akin. Para namang kinurot ang puso ko ng may alaalang pumasok sa isip ko.
"Alis na, nakakadiri ka di ako pumapatol sa kapwa ko!" Sabi ni Joohyun at mabilis na tinalikuran si Seulgom.
Joohyun..
